Facebook

Dalagang nagpuslit ng gatas, buking

NABUKING ang isang dalaga na shoplifter nang mahulihan ng mamahaling dela-delatang gatas sa kilalang department store sa Aurora, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni Police Captain Angelo Pagulayan, hepe ng Aurora Police Station, kay Col. James Melad Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, kinilala ang nadakip na si Daisy Manalo, 21 anyos, ng Barangay Bunuan, Dagupan, Pangasinan.

Napansin nina Jomar Subong at Mariano Doca, security guard ng department store, na kahina-hinala ang kinikilos na tila hindi mapakali sa baby needs area si Manalo.

Sa paglabas ni Manalo sa department store ay bigla itong nagtatakbo kung kaya’t agaw- pansin sa dalawang security, hanggang sa hinabol ito na tangay-tangay ang limang lata na gatas na nagkakahalaga ng P8,497.50.

Nang sitahin si Manalo kung may resibo mula sa department store ang tangay-tangay na gatas, wala itong maipakita kayat inaresto at ipinasakamay sa pulisya. (Rey Velasco)

The post Dalagang nagpuslit ng gatas, buking appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalagang nagpuslit ng gatas, buking Dalagang nagpuslit ng gatas, buking Reviewed by misfitgympal on Agosto 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.