![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2020/09/realidad_finalpaaa.jpg)
LESSON learned ang pagkatalong nalasap ni 8-division champ Manny Pacquiao laban sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas.
Hindi pinansin or literally ignored ni Pacquiao ang mensahe ng “itaas” nang umayaw sa laban ang orihinal nitong katunggali na si Errol SpenceJr.
Sa di natin maintindihang pangyayari,imbes na magmadaling umuwi ng Pinas si Pacquiao dahil may gusot ngang nangyayari sa kanyang PDP Laban party,pumayag ang boxing champ sa suwestion ng fight promoters na magsubsitute bilang kalaban ang negrong si Ugas na higit na malaki at malakas kumpara kay Spence.
Dito kinailangan ni Pacman ang mga katulad ni Chavit Singson sa kanyang tabi.
Si Chavit kumbaga sa tonaleng manok ay makailang beses ng pinutulan ng tahi.
Ubod ito ng gulang at sadyang di mapapalusutan kumpara sa mga nakapalibot na alipores ni Pacquiao na puro lang dada pero walang binesa.
Hinding hindi sana makakalusot kay Chavit ang panggugulang na ginawa ng promoter ng laban kung nasa tabi lang ni Manny si Chavit.
Maging si Freddy Roach ay di kampante at alanganin sa laban kontra Ugas.
Christian si Manny Pacquiao kung kaya’t ang biglaang pag-atras ni Spence dahil sa shoulder injury ay dapat ikinonsidera ni Pacquiao na isang mensahe mula sa langit.
Di dapat pinairal ng Pinoy champ ang tigas ng ulo.
Sa boxing kinakailangan din ang gulang at matinding diskarte.Di puwede ang puro tapang at yabang, In the first place,Pacquiao and his entire team prepared for Errol Spence and not for Ugas.
Sabi nga ni Freddy Roach,di sapat ang panahong natitira bago ang laban bago nila ma-scout ang mma fighting stance and style ni Ugas.
Ang tanging alam nila ay kapwa malakas ang kaliwa at kanan hook ng Cuban boxer.
The rest,nanghuhula lamang ang buong team Pacquiao.
Kitang kita na rin ang age factor ni Manny na-unti-unting nakakaapekto sa kanyang dating lakas.
Di na rin katulad ng dati ang kanyang bilis sa pag- atake at pagdepensa.
Again we can say that Pacquiao pushes himself to the limits.
He even ignored the advices of Freddy Roach,much so the message sent earlier not to go through the fight.
Pero andyan na ‘yan,sana sa susunod,wag nang pairalin pa ni Manny ang kanyang tigas ng ulo at pagiging palalo.
Maalala man lamang sana nya ang mga taong naging kaagapay at nakadamay nya sa kanyang landas tungo sa rurok ng tagumpay.
Dahil ang mga tao ring yan ang makakasama nya pagbaba nya mula sa kasikatan.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Pacquiao ignored the message appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: