KAHIT mismong pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Major General Vicente Danao Jr. ang hindi maitatanggi na hindi nawawala ang iligal na sugal sa Metro Manila (MM).
Katunayan, tila naghagis si Danao ng kuwitis nang maglabasan sa maraming pahayagan ang kanyang babala at gagawin laban sa iligal na sugal makaraang makasakote ang mga pulis ng ilang sugarol sa Quezon City at Parañaque City.
Hindi lang naman ngayon nagkaroon ng iligal na sugal sa Quezon City at Parañaque, kundi matagal na.
Pokaragat na ‘yan!
Napakatalamak ng iligal na sugal sa dalawang lungsod ng MM.
Hindi lang sa dalawang ‘yan, kundi sa buong MM, kabilang ang Lungsod ng Taguig kung saan matatagpuan ang tanggapan ng NCRPO.
Pokaragat na ‘yan!
Ang balita ko nga sa Taguig ay usung-uso ang tupada (iligal na sabong) at talamak ng Peryahan ng Bayan (PnB) ng Philippne Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Pero, ang PnB sa Taguig ay 1 hanggang 40 numero ang pinatatayaan ng mga kubrador sa mga mananaya, kaya walang kamuang-muang mga mananaya na bookies ang PnB sa Taguig.
Maganda ang babala ni Danao laban sa illegal gambling, bagamat nakagugulat dahil hindi kailanman nagbabala si Danao laban sa iligal na sugal.
Nakagugulat dahil banner story sa ilang tabloid na tila mayroong kakaibang layunin.
Okey ang BIGWAS! sa babala at gagawin ni Major General Danao.
Kakampi ako ng heneral sa ipinapagawa niya sa lahat ng pulis sa MM.
Ngunit, kung talagang seryoso si Danao, arestuhin niya ang isang alyas “Reyna” na siyang napababalitang ‘utak’ ng bookies ng PnB, bookies ng lotteng ng PCSO at bookies ng small town lottery (STL) sa maraming bahagi ng MM.
May mga nakapagsabi sa akin na mahusay na heneral si Danao at ang hepe niya sa Regional Intelligence Division na si Colonel Hansel Marantan, kaya kayang-kaya nilang matuklasan kung sino ang babaeng nagtatago sa alyas Reyna.
Bukod sa Reyna, may mga pagkakataong alyas “Tita” ang tawag sa kanya.
Pokaragat na ‘yan!
Kung mga kubrador at mananaya lang ang huhulihin at kakasuhan ng tanggapan ni Danao ng paglabag sa Presidential Decree 1602 (PD 1602), lumilitaw na napakahina ng kampanya ni Danao laban sa iligal na sugal.
The post Kung seryoso laban sa illegal gambling, arestuhin ni Danao si ‘Reyna’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: