Facebook

Mag-utol nalitson sa sunog sa Sorsogon

NASAWI ang magkapatid na babae nang ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Matnog, Sorsogon, gabi ng Sabado.

May edad 18 at 11 ang magkapatid na nalitson sa sunog sa Barangay Tablac.

Nakaligtas pero sugatan sa insidente ang ina ng mga biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), hindi nakalabas ng kanilang bahay ang magkapatid dahil mabilis na sumiklab ang apoy malapit sa main door.

Posible umanong sanhi ng sunog ang nakasinding kandila na inilagay malapit sa mga nakatambak na galon ng gasolina sa kusina.

“Ang nangyari po, parang nagsalin ng gasolina ‘yong nanay. Tapos parang natalsikan ‘yong kandila, kaya nagkaroon ng explosion,” sabi ni Senior Fire Officer 2 Ronnie Anonuevo, hepe ng BFP-Matnog.

Apat pang bahay ang nadamay sa sunog.

The post Mag-utol nalitson sa sunog sa Sorsogon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-utol nalitson sa sunog sa Sorsogon Mag-utol nalitson sa sunog sa Sorsogon Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.