Facebook

‘MAGTULUNGAN TAYO VS PANDEMYA’ — BONG GO

PATULOY si Senator Christopher “Bong” Go sa pagtulong sa pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangunahing serbisyong pampubliko sa vulnerable sectors sa iba’t ibang panig ng bansa.

Idiniin ni Go na kailangang-kailangang magtulungan ang bawat isa na tiyakin na ang mga naghihikahos na indibidwal at pamilya ay ligtas, nasa maayos at malusog habang patuloy ang COVID-19 pandemic sa pananalasa sa buhay at kabuhayan ng Filipino.

Sa kanyang video message sa serye ng relief missions sa Tagbilaran City at mga bayan ng Maribojoc at Loon sa Bohol kamakailan, nanawagan si Go sa concerned authorities na bigyan ng karagdagang suporta ang kanilang vulnerable constituents na hirap makabili ng pagkain, gamot at iba pang esensyal na pangangailangan ngayong panahon.

“Mga kababayan, magtulungan, magmalasakit at magbayanihan tayo sa ating kapwa. Huwag tayo mawalan ng pag-asa dahil nandito ang gobyernong palaging nagmamalasakit sa inyo. Hindi kayo pababayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng administrasyong ito,” ani Go.

“Pakiusap ko sa mga kapitan, huwag niyong pabayaan ang mga kabarangay niyo, lalung-lalo na ‘yung mga mahihirap, dahil kayo lang ang matatakbuhan nila,” idinagdag niya.

Namahagi ang mga staff ni Go ng meals, vitamins, masks at face shields sa tinatayang 1,362 residente sa Saulog Gym sa Tagbilaran City, People’s Center sa Maribojoc at Loon Municipal Gymnasium. Ang mga benepisyaryo ay binubuo ng market vendors at persons with disabilities.

Ang mga kinatawan naman ng Department of Social Welfare and Development ay nagbigay ng financial assistance sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program nito.

Samantala, ang Department of Trade and Industry at Technical Education and Skills Development Authority naman ay may mga programa rin na makatutulong sa mga residente na lubos na nagpasalamat kay Sen. Go

”Noong May 5, na-stroke at na-admit ang asawa ko sa ospital. Limang araw siya na-admit tapos namatay din siya noong 10 ng Mayo. Sinabihan kami na pumunta sa Malasakit Center para matulungan kami, kaya lumapit ‘yung anak ko doon. Sa awa ng Diyos, wala kaming binayaran sa nangyari sa aking asawa,” ang kuwento ni Anabelle Quizan, market vendor ng Tagbiliran City.

“Maraming salamat talaga, Senator, sa maraming tulong ninyo sa amin. Kahit noon pa, sobra-sobra ang kanyang pagtulong sa amin hanggang sa kanyang programa ngayon. Hindi ko talaga inaasahan na isa ako sa makakasali dito dahil nasa bahay lang naman ako nagtitinda,” aniya pa.

“Magseserbisyo ako kahit saang sulok ng Pilipinas. Iyan po ang ipinangako ko sa inyo. Gusto ko pong makapagbigay ng solusyon sa inyong mga problema at makapag-iwan po ng kaunting ngiti sa panahon ng inyong pagdadalamhati,” ang paniniyak ni Go.

The post ‘MAGTULUNGAN TAYO VS PANDEMYA’ — BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘MAGTULUNGAN TAYO VS PANDEMYA’ — BONG GO ‘MAGTULUNGAN TAYO VS PANDEMYA’ — BONG GO Reviewed by misfitgympal on Agosto 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.