Facebook

Manila COVID-19 Field Hospital, 92% capacity na — Isko

MALAPIT nang mapuno ng pasyente ang Manila COVID-19 Field Hospital (MCFH) dahil ito ay nasa 92 percent na ang capacity na kung saan tanging 27 kama na lang ang natitira mula sa kabuuang 344 bed capacity.

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno, na nagsabi din na maging ang anim na city-run hospitals ay tumaas sa 46 porsyento ang occupancy rate habang ang mga quarantine facilities (QFs) naman ay nasa 15 percent na ng total bed capacity ang okupado mula sa pagiging dalawa hanggang apat na porsyento bago mag- enhanced community quarantine (ECQ). Ang QFs ay may 878-bed capacity.

Sinabi ni Moreno na nagpapasalamat siya na nakapagtayo na ang Maynila ng sarili nitong COVID hospital bago pa sumulpot ang Delta variant.

“Imaginine n’yo san ko ilalagay ang 300 patients na ‘yan. Buti nalang naabatan natin at ngayon ay napapakinabangan natin sa panahon ng pagkalat ng Delta variant,” buntong hininga ni Moreno habang tinukoy ang datos na ibinigay sa kanya ni MCFH Director Dr. Arlene Dominguez na nagpapakita na 317 mula sa 344 bed capacity ng ospital ay okupado na.

Inulat ni Dominguez na sa bilang ng nasabing pasyente 63 % ang walang bakuna, 12% ang nakatanggap ng first dose habang 25 % naman ang fully-vaccinated.

Ayon kay Moreno, itinayo ang pagamutan para sa mga mild at moderate cases na pasyente lamang ng COVID-19.

Ang mga asymptomatic naman ay dinadala sa quarantine facilities habang ang mga severe o critical ay dinadala sa mga city-owned hospitals. Sa kasalukuyan ang lungsod ay mayroon ng he 246 kumpirmado at aktibong kaso kung saan 121 ang gumaling habang isa ang namatay.

Samantala ay labis namang nalulungkot si Moreno dahil kailangang pagbayaran ni Vice Mayor Honey Lacuna ang labis na kasipagan nito sa pagtatrabaho nang higit pa sa itinakda ng kanyang tungkulin.

“Nalulungkot ako dahil miss ko siya, dahil siya ang aking katulong sa pagtaguyod ng lungsod manupa sa loob ng pandemya may isang taon at anim na buwan na. Siya po ang aking partner…isang doktora na nakatulong natin lalo na sa pamamahala ng ating programang pangkalusugan, to the point na nagbabakuna sa ating mass vaccination, sa City Hall, sa bedridden at ngayon ay siya na ang biktima,” pahayag ni Moreno.

Ipinaliwanag ng alkalde na tatlong termino siyang naging vice mayor at tulad ni Lacuna at ang tanging tungkulin lamang ng bise alkalde ay magsilbi bilang presiding officer ng the Manila City Council.

“Our Vice Mayor went beyond the call of duty. Pilay na pilay ako ngayon ngayon pero we will not give up dahil alam ko, mas mahirap ang kinakaharap ninyo lalo na ngayong ECQ,” pahayag ng alkalde kasabay ng paghingi ng panalangin para sa maagang paggaling ni Lacuna. (ANDI GARCIA)

The post Manila COVID-19 Field Hospital, 92% capacity na — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Manila COVID-19 Field Hospital, 92% capacity na — Isko Manila COVID-19 Field Hospital, 92% capacity na — Isko Reviewed by misfitgympal on Agosto 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.