Nakatanggap po tayo ng ilang reklamo Mula sa mga pasyente at mga kaanak nito na makailang beses nang lumapit at humingi ng tulong sa Malasakit Centers na buong sipag na itinatag ng mabunying Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa buong kapuluan.
Ang Malasakit Centers (MCs) po ay isang one-stop-shop na tumutulong sa mahihirap at indigent patients through the support of government agencies that includes the Department of Social Welfare and Development (DSWD),Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth),Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Department of Health (DOH).
Sa kabuuan,may 130 Malasakit Centers (MCs) sa buong Bansa.
Maganda at dakita Ang layon ni Sen.Bong Go sa paglalatag ng mga Malasakit Centers na ito lalo na sa malalayong Lugar dito sa bansa at talagang sinadyang inilapit sa mga taong nangangailangan ng tulong at ayuda sa panahon ng kanilang pagkakasakit o aksidente.
Ngunit ang di alam ng mabunying mambabatas,Marami sa mga lumalapit nating kababayan para humingi ng tulong sa Malasakit Centers ay nadidismaya at nawalan ng pag-asa.
Laging sinasabi ng staff sa mga Malasakit Centers na ito na walang pondong available para sa mga pangangailangan ng mga mahihirap at indigent patients.
What the fuck!
Ang masakit pa dito,maging sa mga pangunahing hospital dito sa Metro Manila (NCR) gaya ng sa National Orthopedic Hospital ay walang tulong na makuha dahil wala daw pong pondo.
Anak ng baka talaga.
Tiyak na maha-high blood nyan si Senator BONG GO kapag nalaman nya ang katarantaduhan nyo dyan NOH.
Sinasabotahe nyo Ang kanyang dakilang hangarin sa pagsusumikap na maitatag at mailagay ang mga Malasakit Centers na iyan para makatulong sa mahihirap nating kababayan.
Kung Hindi mga bopol,marahil ay tinatamad kung sino mang mga animal na tumatao sa Malasakit Center na ito dyan sa National Orthopedic Hospital.
Baka naman may problema sa koordinasyon sa mga ahensiya ng gobyerno Ang mga staff ng Malasakit Center na Yan dyan sa Orthopedic.
Ang nasabing hospital kasi Ang takbuhan ng mga pasyente dito sa Metro Manila at mga karatig probinsiya na naaaksidente o nakakaranas ng karamdaman sa buto dulot ng trauma o injuries.
Nakakapanlumong malaman na halos nawalan na ng pag-asa ang mga pasyenteng lumalapit sa Malasakit Centers na buong pagsisikap na itinatag ni Sen.Bong Go dahil lamang sa kapabayaan at katangahan ng mga staff ng MCs.
Sinasabotahe ng mga kolokoy na ito ang dakilang layunin ni Sen.Go at ng administrasyong Duterte para madamayan at matulungan Ang ating mahihirap na kababayan sa panahon ng kanilang matinding kagipitan at pangangailangan.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Pet project ni Sen. Bong Go, sinasabotahe? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: