Facebook

Mga sugapa dumarami!

PATULOY na dumarami ang bilang ng mga drug addict sa Tanauan City, ngunit sa kabila ng katotohanang ito, mistulang inutil naman ang kapulisan, lokal na ehekutibo at mga opisyales dito.

Wala na marahil maisip ang mga concerned citizen na mahingan ng tulong, kayat napilitan ang mga itong dumulog sa inyong lingkod kahapon upang maiparating sa mga kinauukulan ang kanilang mga hinaing.

Isinisisi ng ilang mga barangay kagawad ang talamak na operasyon ng iligal na pasugal sa naturang lungsod sa paglaganap ng bentahan ng shabu sa maraming mga barangay ng Tanauan City.

Kung saan nag-ooperate ang jueteng gamit na prente ang labag sa batas ding Small town lottery franchised, ay doon din napakalakas ng salyahan ng shabu. Itinurong pasimuno sa lantarang drug pushing at jueteng operation sa Tanauan City ang mga kababaihang ilegalista. Ang mga kubrador ng mga ito ang nagsisilbing courier ng shabu sa kanilang suki ring mananaya sa jueteng.

Imposible naman yatang di alam nina Tanauan City Police Chief, LtCol. Edgardo De Asis at City Mayor Angeline “Sweet”Halili kung sino-sino ang mga high profile drug personalities na jueteng operator din sa kanilang hurisdiksyon?

Ngunit para sa kaalaman nina LtCol. De Asis at Mayora Halili ay pinangalanan ng ating mga impormante ang mga kababaihang jueteng con illegal drug operators na sina alias Ms. Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Brgy. Pantay na Matanda., Ms Anabel ng Brgy. Pantay na Matanda, at Ms. Lilian ng Brgy. Sambat. Ka-grupo nila sa pagpapatakbo ng kalakalan ng droga at jueteng operations sina Tano ng Brgy. Trapiche at alias Rodel ng Brgy. Sambat.

Sentro ng bentahan ng shabu at rebisahan ng taya sa STL cum jueteng nina Tano ay sa isang bahay sa Brgy. Trapiche samantalang si Ms. Donna ay sa magkahiwalay na hide-out sa mga Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda.

Si Ms Anabel naman ay nagmamantine ng rebisahan ng taya sa jueteng at bentahan ng shabu sa isa ring bahay sa Brgy. Pantay na Matanda.

Lingguhan namang dumarating sa safe houses ng mga nasabing ilegalista ang intelhencia kolektor na sina alias Mike na pangalan ng isang alias Franada ang ginagasgas, isang alias Kap na ang ipinangongolekta ay ang tanggapan ni PNP Region 4A Director, PBG Eliseo DC Cruz at alias Sgt. Adlawan na pangalan ng ilang opisyales ng NBI-Manila ang ipinangongolekta.

May kolektor din ng intelhencia na weekly ring dumarating sa santuaryo ng mga naturang ilegalista at nagpapakilalang sugo ng ilang opisyal at miyembro ng Tanauan City Police Office, Philippine Drug Enforcement Agent (PDEA) at Region 4A Criminal Investgation and Detection Group (CIDG).

Kaya para matugunan ni Batangas PNP Provincial Director P/Col. Glicerio Cansilao ang matinding problemang ito ng mga taga-Tanauan City ay kailangang maglunsad ito ng malawakang operasyon, laban sa mga pasimuno sa operasyon ng jueteng sa nabanggit na siyudad.

Ang iba pang jueteng operator con drug dealer saTanauan City ay sina alias Biskutso ng Brgy 7, alias Mayor Benir, Kon Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho, Lito ng Putuhan, ng Brgy. 7 at Konsehal Perez ng Poblacion.

Ang mga drug pusher con jueteng operator naman sa Brgy. Bagbag ay si Ocampo, Emil, Ramil, Aldrin ,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, pawang ngTanauan City.

Sakaling di umaksyon si LtCol. De Asis, ito ay malinaw na pagsuway sa itinatadhana sa kanyang mandato na sugpuin ang droga at iba pang uri ng kriminalidad na kabilang sa 5-point agenda ng PNP na dapat na ipatupad nito bilang hepe ng kapulisan sa Tanauan City.

Liban sa pagsugpo sa illegal drug, sentro din ng kampanya ng PNP ang pagsugpo sa illegal gambling, terrorism , corruption at iba pang uri ng krimen na bigo ding magampanan ni Ltcol De Asis.

Kung sabagay, paano nga ba naman malayang makagagalaw si LtCol. De Asis laban sa mga drug/gambling operators sa nasabing siyudad kung totoong kaalyado ni Mayora Halili ang mga nabanggit na notoryus lady drug at gambling maintainers at iba pang nabanggit na ilegalista sa kanilang siyudad?

Para sa kaalaman naman ni Col. Cansilao, sa karatig na bayan ng Malvar ang mga nag-ooperate ng jueteng ay sina Banog at Rico, sa Sto Tomas City ay sina Wally, Jun at Lito. Sa mga bayan ng Mabini, Bauan at San Pacual ay si Timmy at sa Taysan ay sina Zalding Konti at Bedung.

Sa Padre Garcia, ay ang jueteng operator na sina alias KapTisoy at Kap Idol na kilalang lider din ng Kap Tisoy-Kap Idol- Flores Gun for Hire and Kidnap Group at kinokolektahan ng mga nagpapakilalang intelhencia kolektor ng tanggapan din nina General Cruz , isang alias Franada ng CIDG at ng opisina ni Gov. Mandanas.

Sina KapTisoy at Kap Idol ay nagpapatakbo din ng kalakalan ng droga at burikian o paihian ng nakaw na petroleum product sa mga barangay ng Bawi at Brgy. San Felipe sa nasabi ring bayan. Pinamamahalaan ang nasabing burikian ng mga kasosyo ng mga itong sina alias RR at alias Roy.

Hindi bababa sa12,000 ang kubrador na umiikot sa buong Batangas, kaya ‘di nakakapagtakang sangkatutak na mananaya sa jueteng ay mga mga drug addict na din. Sila rin ay potensyal na carrier ng nakakahawang COVID 19 virus sa naturang probinsya.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.

The post Mga sugapa dumarami! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga sugapa dumarami! Mga sugapa dumarami! Reviewed by misfitgympal on Agosto 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.