Facebook

3 MIEMBRO NG PAMILYA NASAWI SA COVID-19 SA LOOB NG 24 ORAS!

ISANG pamilya sa Barangay Villa Pag-asa, Bansud, Oriental Mindoro ang nangulila nang pumanaw ang tatlo sa miyembro ng pamilya sa loob lamang ng 24 oras dahil sa Covid-19.
Ang buong pamilya ay positibo sa Covid-19.

Ang tatlong nasawi ay kaagad inilibing, hindi na nasilayan ng ilang kamag-anak at mga kaibigan.

Ayon kay Bansud Vice Mayor Tolentino, kasalukuyang mayroong 51 pamilya ang apektado at isasailalim ang mga ito sa home quarantine o granular lockdown.

Paalala ng opisyal: “Mag-ingat at sumunod sa minimum health protocols gaya ng pagsuot ng face mask, face shield at physical distancing kapag nasa labas ng bahay dahil nasa paligid lamang ang banta ng virus. (Ronald Bula)

The post 3 MIEMBRO NG PAMILYA NASAWI SA COVID-19 SA LOOB NG 24 ORAS! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 MIEMBRO NG PAMILYA NASAWI SA COVID-19 SA LOOB NG 24 ORAS! 3 MIEMBRO NG PAMILYA NASAWI SA COVID-19 SA LOOB NG 24 ORAS! Reviewed by misfitgympal on Agosto 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.