PATAY ang tatlo katao at isa ang sugatan nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa cargo truck sa Zamboanga Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Junel Cubio Caliso, 26 anyos; Rene Navacilla Gonzales, 18, kapwa taga-Caloma, Tigbao, Zamboanga del Sur; at Jayson Liwagon, 20, ng Sitio Woodland, Brgy. Begong, Tigbao.
Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang sugatan na si Bryan Cubio Caliso, 19, ng Caloma, Tigbao.
Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck na si Jherome Yonson Tante, 23, ng Macanhan, Carmen, Cagayan de Oro City.
Ayon sa ulat, 3:20 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa national highway ng Purok 2, Brgy. Motosawa, Dumalinao, Zamboanga del Sur.
Sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo na minamaneho ni Junel nang hindi nito napansin ang nasiraang truck na minamaneho ni Tante sa kabila ng mayroon nakakabit na early warning device at improvised torch sa gilid ng daan at sumalpok ang motorsiklo.
Ilang minuto ang nakalipas sumalpok rin sa truck ang isang motorsiklo na minamaneho ni Liwagon na pinaniniwalaan nakainon ng alak sa kaliwang bahagi ng truck.
Sa lakas ng pagkakasalpok ng motorsiklo, nasawi noon din ang biktima sanhi ng pinsala sa katawan.(Mark Obleada)
The post 3 nasawi sa motorsiklong sumalpok sa nasiraang truck appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: