PINASINAYAAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang 20-storey housing project na nagtataglay ng mga high-end amenities at public health center sa Sta. Cruz, Manila para sa mga kawani ng city health at nangungupahan sa lungsod na gustong magkaroong nang matatawag nilang sariling bahay.
Bago magbigay ng kanyang talumpati ay nanawagan ng panalangin sa publiko si Moreno para sa mabilisang paggaling ni Vice Mayor Honey Lacuna na ayon sa kanya ay nagpositibo sa coronavirus na kabilang sa panganib ng dala nang kanilang trabaho.
Nalulungkot aniya siya dahil laging silang magkasamang nagtatrabaho ni Lacuna simula ng mag-umpisa ang pandemya sa bansa.
Kasama din ni Moreno sina city engineer Armand Andres at city architect Pepito Balmoris sa pagpapasinaya ng 20-storey San Lazaro Residences in Sta. Cruz, Manila para sa mga walang Manileño na walang tirahan at sa mga nangungupahan.
Sinabi ni Andres na ang residential building na nasa Quiricada Street, Sta. Cruz ay may mga sumusunod na katangian: 382 residential units, a public health laboratory, health center, six elevators, swimming pool, activity lawn, function room at outdoor activity areas.
Samantala ang 24/7 vaccination sa lungsod ay natapos nang walang aberya sa tatlong itinakdang lugar kung saan mismong si Moreno at Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan ay naroroon upang pangasiwaan ang naganap na bakunahan.
“Since March, we have been campaigning to vaccinate as many as possible to protect the people. If perfected, we will go wider than three sites,” sabi ni Moreno.
Idinagdag pa nito na: ” Hindi ito pwede na kwentuhang barbero lang. Dapat mas mabilis. Delta is here. This is a testament that no matter what time and how hard it is, people will come. Give us the vaccine and we will sustain this.” (ANDI GARCIA)
The post Modernong housing project sa Sta. Cruz, pinasinayaan ni Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: