Facebook

No-contact traffic apprehension may peligro!

ANG pagpapairal ng NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION ay maganda ang layunin para sa pagdidisiplina sa mga pasaway na motorista, subalit peligro rin dahil ang sasakyan ay puwedeng hiramin ng kapamilya o kaibigan at sila ang magmamaneho.., na, kapag ang mga ito ang makagawa ng paglabag ay sila ba ang napananagot?

Sa kasalukuyan, ang ganitong sistema ay ang mga Lungsod ng MAYNILA, VALENZUELA at PARAÑAQUE ang nagpapairal.., ngayon ay nasa deliberasyon naman ng QUEZON CITY COUNCIL ang panukalang pagsasabatas ng No-Contact Traffic Apprehension at ito ay nasa ikalawang pagbasa na.

Hinde man po ako abogado ay tahasan ko pong sasabihin na may peligro ang ganitong sistema.., dahil, hinde sa lahat ng pagkakataon ay ang rehistradong nagmamay-ari ang nagmamaneho sa kaniyang sasakyan.

Sa kasalukuyang umiiral na no-contact ay plaka ng sasakyan ang nakukunan ng camera. Kaya ang nabibigyan ng notice of traffic violation ay hindi ang mismong driver na nag-violate kundi ang registered owner. Kung ang registered owner ang mismong driver ay walang problema pero malimit, lalo na sa public transport, ang registered owner ng sasakyan ay hindi ang driver.

Kung sakali naman hindi pa ganun ang teknolohiya ng private provider ay kailangan ng due process mechanism sa notice of violation upang mabigyan ng pagkakataon ang registered owner, na hindi ang driver, na mabigay ang pangalan ng traffic violator. Sa ngayon ang problema sa MMDA at ilang LGU ay matagal na pagpapadala ng notice of violation…, na inaabot ng maraming buwan.

Sa puntong ito ang LAWYERS FOR COMMUTERS SAFETY AND PROTECTION (LCSP) na pinamumunuan ni ATTY. ARIEL INTON ay may nais ipakunsidera sa QC COUNCIL upang maging maayos ang implementasyon nito.

Ayon kay ATTY. INTON ay dapat mapadala na sa loob ng pitong araw man lang ang notice buhat sa araw na nakunan ang violation.

Malimit kasi, dahil inaalarma ng LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) ang mga sasakyan na nakunan ng violation ay ang registered owner ang napipilitang magbayad para makarehistro siya kahit hindi siya mismo ang traffic violator. Pag ganun ang nangyayari hindi madidisiplina ang mga violators.., sa halip ay nakukunsinti pa dahil natatakasan nila ang multa na dapat ay sila ang magbayad.

Sa notice of violation ay may summons nang nakalagay na dinidirekta ang mayari o driver na dumalo sa isang summary hearing ng traffic adjudication board ng LGU para doon magpaliwanag ang nabigyan ng notice.., pero, sa ngayon ang ilang LGU ay walang nakalagay na ganito sa notice of violation. Nakalagay lang na iaalarma nila ang sasakyan pag hindi nabayaran ang multa.

Bunsod nito, ang LCSP ay tutol na maging basehan ng LTO ang pag-aalarma ng sasakyan dahil lamang sa traffic violation na malimit ay hindi nalalaman ng registered owner. Maraming pagkakataon na magpaparehistro ang may-ari at hindi makapagrehistro dahil naka-alarma. Malaking abala ito dahil kahit bayaran ng may-ari ang violation ay hinihingan pa ng clearance sa LGU.., na dapat ay ang driver’s license ng violator at hindi ang rehistro ng sasakyan ang puntiryahin ng LTO.

“Sa panukala ay tatlong libong piso diumano ang multa ng violation. Kaya daw mataas para madala ang violator at hindi na umulit pa. Pero pag ikaw naman ang pagbabayarin kung hindi ikaw ang driver ay mukhang paulit-ulit na mag ba-violate ang pasaway na driver dahil nalulusutan ang multa. Ang mungkahi rin ng LCSP, na huwag porke ganun kataas ang singil ng ibang LGU ay itatapat na ng QC. Kakayanin kaya ng mga tricycle, jeepney, delivery, drivers ang multang tatlong libo? Ang isang libo ba o dalawang libo ay hindi sapat para madala sila para di na umulit?” saad ni ATTY. INTON.

Kailangan din aniyang malaman ng motorista kung saan ilalagay ang mga no-contact apprehension cameras. Mahalaga ito lalo na sa mga lugar na boundary ng isang lungsod, dahil baka makunan ng ibat-ibang nagpapatupad ng no-contact at multahan ng doble ang isang violations.

“Sana ay huwag madaliin ng Konseho ng Lungsod Quezon ang pagpasa ng no-contact apprehension at maikonsidera muna ang aming mga puntos upang mas maging matagumpay at maiayos ang pagpapatupad sa polisiya ng No-Contact Apprehension sa lungsod,” pagpapahayag ni INTON.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post No-contact traffic apprehension may peligro! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
No-contact traffic apprehension may peligro! No-contact traffic apprehension may peligro! Reviewed by misfitgympal on Agosto 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.