Tumataginting na P5.4 bilyong piso ang nakolekta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) mula noong 2016 hanggang 2018 lamang, para gastusin sa kanilang paghahasik ng terorismo sa bansa at pasaganain ang pamunuhay ng kanilang mga lider.
Ito ang isiniwalat ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa regular na ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung saan ibinunyag ng ahensiya na malaking bulto ng pondo ay nanggaling sa mga donasyon ng mga banyagang organisasyon na naloko ng mga teoristang-komunista gamit ang mga usapin sa karapatang pangtao at umano’y pangaabuso sa mga Indigenous Peoples (IPs) o mga katutubo.
“Malambot ang puso ng mga foreign donors,” ang pahayag ni NICA Director General Alex Paul Monteagudo. Ngunit hindi na magamit ng CPP-NPA-NDF ang ganitong modus sa bansa dahil mulat na ang mga Filipino sa kanilang mga pangloloko.
Dagdag pa ni Monteagudo, ang ibang pondo ay nanggaling naman sa kinukulektang Rebolusyunaryong Buwis Ukol sa Kaaway na Uri (RBUKU) o rebolusyunaryong buwis na kinikil ng grupo sa mga negosyanteng nasa malayo at liblib na lugar.
Naniniwala ang NTF-ELCAC na kung susumahin, mas doble doble pa dito ang nakolekta ng komunistang-terorista sa loob ng maraming taon mula sa mga nauuto sa abroad at mga kinokotongang negosyo sa bansa.
Bukod sa terorismo, ang pondo ay ang siyang ginagamit ng mga lider ng komunistang-terorista sa kanilang marangyang pamumuhay gaya ng inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA na gaya ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate ay nagagawang pag-aralin ang kanyang anak sa bansang Poland gamit ang nakolektang pondo.
Isiniwalat din ni Monteagudo na isang mataas na opisyal ng teroristang-komunista and umaming hindi nila pwedeng itigil ang pangingikil dahil ito ang kanilang ikinabubuhay.
Ang pagbubunyag ay nanggaling kay Jorge “Ka Oris” Madlos na siyang namumuno sa NPA National Operational Command (NOC) na nakausap mismo ni Monteagudo sa usapang pangkapayapaan noon pang mga nakaraang taon.
“Kaya siya naging ulo ng NOC. Lahat ng paraan ginagawa para mafinance ang kanilang operation,” paliwanag ni Monteagudo, dahil aniya, ginagawa ng CPP-NPA-NDF ang lahat ng paraan kabilang ang paggamit ng kanilang mga ‘front organizations’ gaya ng mga grupo ng kanilang Partylist sa Kongreso.
Dagdag pa ni Mobteagudo, 60 porsiyento sa nakolektang pondo ay dumideretso sa CPP-NPA-NDF Central Committee base na rin sa mga testimoniya ng mga nagsisukong terorista na gagamitin ng pamahalaan bilang saksi sa mga kasong isasampa laban sa mga lider ng teroristang-komunista.
Sinabi rin ni Monteagudo na kanilang iniimbestigahan ang mga indibidwal na nagbibigay ng tulong sa grupo kabilang ang mga kongresista, governador, bise gobernador at mga dating Senador, na di pa nila pwedeng pangalanan dahil sa gumugulong pa ang imbestigasyon. Ngunit tinukoy niyang ang mga tulong na ibibigay ng mga ito ay sa pamamagitan ng mga armas at bigas lalo na sa panahon ng eleksiyon.
Kabilang sa kanilang mga iniimbestigahan, aniya, ay 87 negosyante na pumapayag makikilan para lamang protektahan ang kanilang mga negosyo.
The post P5.4 Bilyon ‘raket’ ng CPP-NPA-NDF buking appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: