Facebook

6th Book ng Asian artists, ilulunsad ng Roy Espinosa Filarts Inc.

Maglulunsad ng 6th coffee-table book na “Contemporary Art by Asian Artists,” ang multi-awarded book publisher na si Roy Espinosa and Filarts, Inc., ngayong August 2021.

Si Espinosa na isa ring visual artist at international art exhibit organizer, kayang pagsama-samahin ang 69 artists mula sa Pilipinas at iba pang Asian countries. Ang dating Manila Bulletin writer at National Museum art researcher na si Ben-Oliver Matias ang nagsisilbi ritong editor.

Ang librong Contemporary Art ng Asian Artists, sasaliksik sa culturally diverse posits ng 60 Asian visual artists na sasagot sa malalalim na pananaw at kakaibang mga sining at natatanging art making.

Sa pamamagitan ng visual imagery at textual iconography, naipapakita ang kaalaman sa pagtugon ng mga personal na isyu o panglipunan o sa pandaigdigang kaganapan. Sagisag din ito ng matalinong pag-unawa sa ginagampanan ng sining sa patuloy na mga pagbabagong kaunlaran.

Bawat isa sa mga likhang sining ng mga visual artists mula sa Pilipinas, Malaysia, Singapore, Indonesia, Vietnam, Thailand, Hong Kong, Taiwan, Bangladesh, Nepal, at India ay nagpapakita sa kahalagahan ng kani-kanilang mga kultura. Gayunman, ipinapakita rin nila ang paradigmatic immersion sa paglalarawan ng unibersal na tema sa walang hanggang geographic border.

Itinataguyod ng Filipinas Institute for Advancement of Arts and Culture o ang FILARTS ang ikasusulong at pag-unlad ng sining ng Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng plataporma kung saan magna-navigate ang kultura at pagkakakilanlang Filipino.

Pinasimulan ng FILARTS ang mga pakikipagtulungan na magsisiguro sa pandaigdigang mapagkompetensiya ng mga Pilipinong visual artists. Kinapapalooban ito ng paglalathala ng maraming mga libro sa sining tulad ng Different Strokes 1 (2015), Different Strokes 2-Watercolor Magic (201ng6), Art Saturday (2017), Grupo Kwadro (2017), Palettes Feast of Colors (2017).

Sa ngayon, nakapaglimbag ang FILARTS ng quarterly art magazines na Filipino Artists Magazine at South East Asian Artist Magazine. Mayroon ding mga collaborative art exhibitions para magkaroon ng mga intercultural exchange sa pagitan ng Pilipinas at iba pang mga bansa.

The post 6th Book ng Asian artists, ilulunsad ng Roy Espinosa Filarts Inc. appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
6th Book ng Asian artists, ilulunsad ng Roy Espinosa Filarts Inc. 6th Book ng Asian artists, ilulunsad ng Roy Espinosa Filarts Inc. Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.