NITONG February 26 ng kasalukuyang taon ay nilagdaan ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ang INDEMNIFICATION ACT at pinondohan ito ng kalahating bilyong piso na laang panggugol sa gastusin ng mga mamamatay o dadanas ng adverse effect mula sa covid vaccines.., subalit, nasaan na ang nasabing pondo dahil ang mga nasawi at naospital ay sariling gastos nila na walang ginawang pag-alalay ng gobyerno.
Tulad na lamang sa sinapit ng JOURNALIST na si JULIO YAP JR. na dating naging EDITOR ng BULKETIN at MANILA TRIBUNE ay na-stroke after 2 weeks ng kaniyang 2nd dose ng Pfizer noong June 5 sa QUEZON CITY. Isinugod ito sa ospital subalit tinanggihan ito ng.mga ospital sa QC dahil puno na raw ng mga pasyente.., kaya humantong ito sa Manila Doctors Hospital at doon naratay na umabot ang hospital bill nito sa P341,476.., pero ang naibayad lamang ay P266,201 kaya may balanse pa ito ng P75,279.., na dapat ay sagot ito ng Indemnification fund ng ating government.
Isa lamang si YAP JR. sa mga dumanas ng adverse effect.., na ang ipinangangalandakan sa INDEMNIFICATION ACT ay hanggang pa-bida o press release lang.., dahil naging praktisan na nga lang si YAP ng covid vaccine ay siya pa ang nagastusan at may natitira pang utang sa ospital.
Nitong nakaraang Linggo sa BROADCASTERS FORUM VIA ZOOM nina ROLANDO “LAKAY” GONZALO at MIKE ABE na isa sa panauhin nila ay si PRESIDENTIAL ANTI CRIME AND CORRUPTION (PACC) CHAIRMAN GRECO BELGICA ay naitanong ko sa kaniya ang INDEMNIFICATION FUND at nasabi sa kaniya ang dinanas nitong si YAP JR.., at nagsabi si Greco na mag-email ako sa kanilang official email ad na siya ko namang ginawa.., bukod diyan ay nasabi rin niya na may MALASAKIT CENTER na handang umalalay sa mga nangangailangang pasyente.
PAGING MR. BELGICA.., ang MALASAKIT CENTER ay ibang aspeto ng mga pasyente ang sakop nito at ang adverse effect mula sa covid vaccines ay ang INDEMNIFICATION FUND ang sasagot nito.
Hinde kaya ang iniuulat ni HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III kay PRES. DUTERTE e ginagamit na ang INDEMNIFICATION FUND sa mga dumadanas ngayon ng adverse effect.., ika nga e binubulag si PRES. DUTERTE?
MR. BELGICA.., bilang ikaw ang PACC CHAIRMAN e dapat agaran mong siyasatin ngayon ang INDEMNIFICATION FUND dahil marami na ang namamatay at dumadanas ng adverse effect na dulot ng isinasagawang HUMAN TRIAL VACCINATION.
Sa ganitong sitwasyon na hinde isinasakatuparan ng gobyerno ang kanilang mga ipinangakong pag-alalay o paglalaan ng tulong pinansiyal para sa mga pagpapagamot o pagpapaosital ng.mga dumadanas ng ADVERSE EFFECT mula sa COVID VACCINES ay lalong mahihirapang makumbinse ang mamamayan na magpabakuna ang lahat.
Kahit anong estratehiya o pang-uuti pa ang gawin ng gobyerno tulad sa pagkakaloob ng libreng pamasahe sa.mga train sa ating bansa para sa mga bakunado ay mananatiling alumpihit ang maraming tao na sasalang sa VACCINATION TRIALS.., dahil kapag dumanas ng masamang epekto ay higit na dadanas ang mga ito ng lalong paghihirap dahil sa hospital bills…, gayong may inilaan naman ang gobyerno na pondo rito e hinde naman ginagamit.
Dapat lamang na ungkatin ng mamamayan kung nasaan ang INDEMNIFICATION FUND.., dahil marami na ang dumadanas ng side effect ng mga pagbabakuna at may mga namamatay na pero hinde pa rin inilalabas ang pondong laan para sa mga nagpabakuna!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Na-stroke dahil sa Covid vaccines; nasaan ang indemnity fund? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: