
SUMAPIT na ang sandali ng katotohanan para kay Carlo Paalam ng Pilipinas sa kanyang pagbigwas ng makasaysayang ginto sa boxing event ng Tokyo Olympics ngayon hapon sa bansa ng mga Hapon.
Makikipagtipan sa kasaysayan si Paalam 1:00 n,h.(oras sa Pilipinas) sa Kokugikan Arena kontra Galal Yafai ng Great Britain kung saan ang panalo ni Carlo ang magbibigay ng unang ginto sa PH boxing team mula noong lumahok sa Olympiyada at magiging ikalawa para sa Team Philippines ,nauna dito si weightlifting heroine Hidilyn Diaz.
Umentra sa gold fight si Paalam matapos dispatsahin ang kalabang pambato ng Japan na si Ryomie Tanaka via unanimous decision kamakalawa.
Bagama’t paniguro na ang silver medal para sa 2017 President’s Cup Astana, Kazakhstan champion na si Paalam ,mas makinang na gintong medalya ang pokus ng Pinoy pug kontra Golden Belt Rumania 2018 title holder na si Yafai- ang best boxer awardee ng Great Britain.
“Hinihiling ko lang po sa kapwa ko Pilipino na ipagdasal ako. Gagawin ko ang best ko, kasi hindi ko naman hawak yung desisyon at saka iyong kalaban ko, magaling din. Tiwala lang sa sarili. Sana ibigay na sa atin ng Panginoon.” Sambit ni Paalam.
Ang garantiyang medalya kay Paalam ay ikatlo na sa PH boxing contingent bukod sa silver ni Nesthy Petecio at bronze ni Eumir Marcial.
The post PAALAM MAKIKIPAGTIPAN SA KASAYSAYAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: