Facebook

Damatan?

Posibleng pinakamatandang koponan ang LA Lakers sa pagbubukas ng NBA sa Oktubre.

Mangyari ay kinuha nila si Russell Westbrooke (32) sa Washington para sa bagong Big 3 ng prangkisa. Tapos ibinalik si Dwight Howard (36) at pinapirma rin sina Carmelo Anthony (37), Trevor Ariza (36), Wayne Ellington (33), at Kent BazeMore (32).

Bukod sa kanila ay batid natin na 36 na si LeBron James habang si Marc Gasol ay kaedad niya.

Mabuti at ni-retain si Talen Horton-Tucker na 20 anos lamang at nandiyan pa si Anthony Davis na 28 naman.

Maaaring umabot sa 32.4 ang average age ng mga player ni Coach Frank Vogel. Kung first five sina LBJ, AD, Westbrook, Gasol at Ariza ay aakyat pa sa 33.6.

Hindi naman nababahala sina LBJ at GM Rob Pelinka sa mga nagtatandaang mga cager nila. Ang pilosopiya ay win now.

Tutal mga may 1 year agreement at veteran minimum lang karamihan na mga new recruit kaya madali madispatsa kung hindi mag-workout ang line-up.

Hindi pabor si Pepeng Kirat sa kilos na ito ng front office na may basbas malamang nina King James at LeBrow nguni’t naiintindihan niya ang desisyon. Older daw ang 2015-16 na Spurs kung saan kabilang sina Manu Ginobli, Tim Duncan at Andre Miller. Ganoon din ang 1996-97 na Bulls kung saan nandoon sina Michael Jordan, Scottie Pippen, Dennis Rodman at Robert Parish.

Tingnan natin kung matagumpay ang formula na ito para sa may historic na 17 na titulo na.

***

Isa na rin si gold medalist Hidilyn Diaz sa pinakabeterana ng Team Pilipinas sa 2020 Tokyo Olympics. Nagsimula ang taga- Zamboanga na sumabak sa Olympiada noong 2008 Beijing Summer Olympics nang siya ay 17 pa lamang.

Nasundan ito ng 2012 London at yung 2016 na Rio de Janeiro kung saan nagkamit siya ng silver.

Itong mga kumpetisyon na ito ang nagpalawak ng kaniyang karanasan at lalong nagpahusay upang makaginto sa Tokyo ngayong taon.

***

Ipagdasal natin ng taimtim na magwagi si Carlos Paalam kontra kay Galal Yafai ng Great Britain para sa numero uno sa flyweight division. Magandang bakbakan ito. Nakatakda ngayong 2 PM ang bout ng dalawa. Gold para sa panalo at silver sa matatalo.

Mabuhay ka Carlos at huwag ka magbababay sa ginto. Hayaan mong ang Briton ang magpaalam sa gold. Mabuhay mga Pinoy na mga atleta!

The post Damatan? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Damatan? Damatan? Reviewed by misfitgympal on Agosto 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.