Facebook

Lola huli sa ‘sangla-tira’ modus; pati basurero biniktima

SWAK ang isang senior citizen dahil sa pagsasangla ng mga pekeng titulo ng lupa sa sa Cavite.

Kinilala ang dinakip na si Lolita Avila, 66 anyos.

Ayon sa report, inaresto ang matanda sa pamamagitan ng entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection.

Itinuturo si Avila ng pulisya bilang mastermind ng ‘sangla-tira’ modus kungsaan nagpapanggap itong broker na naghahanap ng mapagsasanglaan ng titulo ng residential property sa mababang halaga.

“Isasangla po nito ang isang property na hindi po kanila, pero lahat po ng dokumento na ipapakita sa buyers at would-be-victims natin ay lahat po ay napeke,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Benedick Poblete, Provincial Officer ng PNP-CIDG Cavite.

“Noong nakapagbigay po sila ng pera, bigla na pong nawala itong suspek natin at naisanla po sa napakarami pong tao,” dagdag ni Poblete.

Dito na nagdagsaan ang mga nagrereklamo laban kay Avila. Inaasahan ng mga awtoridad na madadagdagan pa ang mga nagrereklamo kapag naisapubliko na ang kaso.

Ayon kay Poblete, “unschooled” ang karamihan sa mga biktima ni Avila, tulad ng mga taga-tahi, mangangalakal, house wife at karpintero.

Isa sa mga nabiktima ay si Violeta Limroa, 62, na pamumulot ng kalakal ang ikinabubuhay nilang mag-asawa.

Ibinigay daw ng mag-asawang Limroa kay Avila ang naipon nilang P80,000 sa loob ng 10 taon kapalit ng pangako na magkakabahay sila.

“Bulag po ‘yung asawa kong nangangalakal, may tatlo akong apong abandoned, may kasama akong anak na panganay na may sakit sa puso kaya ko gustong kumuha ng bahay. Niloko niya ako, binigay ko sa kaniya ‘yung P80,000,” sabi ni Limroa.

“Sabi ko gusto kong matulog ang mga apo ko sa bahay, hindi sa karton. ‘Yun pala scammer siya,” dagdag ni Limroa.

Wala raw balak tanggapin ni Limroa ang pagpapaumanhin ni Avila..

Ipinakita ng CIDG ang mga ebidensiya gaya ng dinuktor na papeles mula sa National Housing Authority at iba pa.

Sasampahan ng kasong Estafa at iba pang uri ng swindling si Avila.

The post Lola huli sa ‘sangla-tira’ modus; pati basurero biniktima appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lola huli sa ‘sangla-tira’ modus; pati basurero biniktima Lola huli sa ‘sangla-tira’ modus; pati basurero biniktima Reviewed by misfitgympal on Agosto 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.