KASAMANG nalitson ang10-taon gulang na babae nang masunog ang kanilang bahay sa Santa Cruz, Davao del Sur, Linggo ng hapon.
Ayon sa ulat, iniwan saglit ng ina ang biktimang si Lyca para pumunta sa baybayin, na may layong 600 metro mula sa kanilang bahay sa Barangay Coronon.
Nang sumiklab ang sunog, sinubukan pa ng mga kapitbahay na iligtas si Lyca pero malaki na ang apoy.
Natagpuan nalang ang bangkay ng biktima nang maapula ng mga bombero ang sunog.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, 20 minuto ang inabot sa pag-apula ng sunog.
Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi ng sunog pati na ang halaga ng pinsala.
The post Paslit nalitson ng buhay sa Davao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Paslit nalitson ng buhay sa Davao
Reviewed by misfitgympal
on
Agosto 23, 2021
Rating:
Walang komento: