LAGUNA – Bawal magpakasal? Hindi naman… Bawal lang mag-imbita at magkasiyahan. Dapat kayo-kayo lang sa bahay, kung hindi ay aarestuhin kayo ng mga awtoridad.
Ito ang nangyari sa mga kasalang ginanap sa Barangay Gatid, Sta. Cruz dito sa lalawigan Sabado ng gabi.
Ayon sa ulat ng hepe ng Sta. Cruz Police na si Lt. Colonel Chitadel Gaoiran, pasado 8:00 ng gabi nang makarating sa kanilang tanggapan na may nagaganap na mga kasiyahan sa naturang barangay.
Sa pagresponde ng pulisya kasama ang mga tanod ng barangay, nadatnan ang mga nagkakasiyahan sa Sitio Munting Ganid at Sitio Batisan dahil sa naganap na kasalan.
Umabot sa 36 katao ang dinakip at pinagmulta ng P500 sa paglabag sa health protocols na ipinatutupad sa ilalim ng Municipal Ordinance.
Ayon sa acting barangay chairman ng Brgy. Gatid na si Sonny Ocampo, isang araw bago ang kasal ay pumunta sa kanilang barangay ang pamil-ya ng mga ikakasal para magpaalam sa gagawing kasalan. Sinabihan, aniya, ang mga ito na sundin lamang ang health protocols para wala silang malabag na municipal ordinance at guidelines ng IATF kung hindi ay dadakpin ang mga ito.
Mismong mga Brgy. Tanod ang kasama ng mga pulis nang dakpin ang mga tao sa kasiyahan. (Dick Garay)
The post 2 kasalan sa Laguna nilusob ng pulisya appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: