ISA ang nasawi at siyam ang sugatan sa grupo ng mga estudyanteng maliligo sana sa isang resort nang maaksidente ang topdown na sinasakyan sa provincial road ng Barangay Sinolon, Tboli, South Cotabato, Linggo ng hapon.
Kinilala ang namatay na si Rexzel Lou Peñafiel, 15 anyos, estudyante; habang sugatan ang siyam niyang kasamahan kabilang ang 16-anyos na driver ng topdown na si Mitchelle Hope Peñafiel.
Ang mga biktima ay pawang residente ng Sitio Paraiso, Barangay Sinolon.
Sa imbestigasyon ng Tboli PNP, sakay ng topdown ang mga biktima papuntang Jance Resort sa Barangay Lower Maculan, Lake Sebu ngunit nawalan ng kontrol sa manebela ang driver at nahulog ang mga ito sa drainage canal.
Dahil sa aksidente pawang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na isinugod sa Moorehouse Mission Hospital sa Barangay Edwards, ngunit idineklarang dead on arrival si Rexzel Lou.
The post Grupo ng estudyante papuntang resort naaksidente: 1 patay, 9 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: