NANG bumalik noong 2016 sa Senado, agad sumabak sa trabaho si Senador Panfilo “Ping” Lacson upang isulong ang mga platapormang binanggit niya sa pangangampanya.
Isa na rito ang Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) bill na naglalayong direktang i-download sa local government units ang mga pondong kanilang kailangan sa mga proyekto.
Ito ay bilang pagreporma sa kasalukuyang kalakaran na mistulang magmakaawa na ang mga opisyales ng pamahalaang lokal sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa Metro Manila at maging sa Senado at Kamara para lamang sila maambunan ng pondong pamproyekto.
Sa mga may pagkakataon makapunta ng Senado at Kamara at natiyempuhan ninyo na nandoon din ang inyong mayor, gobernador o kaya ay barangay chairman, pani-guradong ang pakay nila ay ang makiusap sa mga mambabatas na maambunan ng bahagi ng kanilang pork barrel ng kahit na pampagawa lamang ng bilaran ng palay.
Sa ilalim ng naturang panukala ni Lacson, ang mga sumusunod na halaga ay diretsong ida-download sa local government units buhat sa national government sa pa-mamagitan ng tinatawag na Local Development Fund (LDF):
Mga lalawigan: P500 milyon hanggang P1 bilyon kada taon
Mga lungsod o siyudad: P100 hanggang P200 milyon kada taon
Mga bayan at munisipalidad: P50to P100 milyon kada taon
Mga barangay: P3 hanggang P5 milyon kada taon
Ang sistemang ito ay solusyon din sa ‘disconnect’ ng mga proyekto ng pambansang pamahaalan na ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan, dahil sa ilalim ng kasaluku-yang sistema, maraming pagkakataon na ang naibibigay na proyekto sa mga naturang lugar ay hindi yaong pinakakailangan nila.
At dahil diretso na nga sa LGU ang pondo, alam na alam na ng kanilang pinuno kung saan gagastusin ang mga ito, kaakibat ng responsibilidad na iulat sa mga kinauukulan ang kinapuntahan ng pondong na-download sa kanila.
Si Ping ay totoong nagmamalasakit sa mga LGU.
***
TAPOS na ang laban ni boxing Senator Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas ng Cuba. Talo ang 42-anyos nating Pambansang Kamao.
Wala nang dapat pang patunayan si Pacquiao. Siya parin ang Manny Pacquiao na tanging boksingero sa mundo na nagkampeon sa walong iba’t ibang dibisyon mula sa 112-pounder hanggang 147-pounder sa taas lamang na 5-5 1/2. Malabo nang mabura ito ng kahit sinong warrior. Pramis!
Kung tapos na nga ang misyon ni Pacquiao sa mundo ng boksing, ang dapat nya naman sigurong harapin nga-yon ay ang mga ungas sa Duterte administration.
Maaring ang pagkatalo ni Pacquiao kay Ugas ay kum-pas ng Diyos para iwanan niya na ang boxing dahil fully accomplished na siya rito. At mayroon na siyang bagong misyon sa buhay, ang pabagsakin ang mga ungas, rapist ng kaban ng bayan. Mismo!
Oo! Dapat ituloy ni Pacquiao ang pagbubunyag sa mga natuklasan niyang katiwalian sa bawat ahensiya ng gob-yerno, na pinagtibay pa ng CoA reports tulad ng bigayan ng SAP sa DSWD, DoH, PhilHealth, DICT, TESDA, DepEd, DA, LTFRB, DoTr, PPA, OWWA, DBM, PTV4 etcetera, etcetera…Go Pacquiao! Bugbugin ang mga ungas!
The post ‘Ping’ mambabatas; at Pacquiao vs ‘ungas’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: