Facebook

3 bagets nagkadurog-durog sa tren sa Maynila

NASAWI ang tatlong menor de edad nang masagasaan ng tren ng Philippine National Railways ( PNR) sa Sta. Mesa, Maynila, Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Alfred Visagar, 17 anyos, ng 581 Bagumbayan, Bacood; Jayvee John Luna, 16, ng 4528 V. Fancisco; at Rico Devilla, 17, ng 0173 Peralta St., Sta Mesa, Maynila.

Natunton naman ang mga driver ng PNR train na may body number 1831 na sina Ronald Antonio at Eric Nase.

Ayon sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, binabaybay ng mga biktima ang northbound ng PNR rail road sa Anonas St., Sta. Mesa nang mahagip ng tren 6:25 ng gabi.
Sa ulat, sinabi ng isang residente na si Adrian Perlas na hindi kilala sa lugar ang mga biktima na balak lamang sanang maglaro ng basketball nguni’t hindi batid kung saan tatabi nang marinig ang busina.

Dahil sa lakas ng impact, isa sa mga biktima ang napugutan ng ulo at halos hindi narin makilala ito.(Jocelyn Domenden)

The post 3 bagets nagkadurog-durog sa tren sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 bagets nagkadurog-durog sa tren sa Maynila 3 bagets nagkadurog-durog sa tren sa Maynila Reviewed by misfitgympal on Agosto 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.