Facebook

DADDY MINASAKER ANG KANYANG MAG-IINA AT NAGPAKAMATAY DIN

PINAGBABARIL ng padre de pamilya ang kanyang mag-iina dahil sa matinding selos sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mary Rose Egca, 24 anyos, mga anak na edad isang taon na babae at pitong buwan na lalaki. Nagbaril din sa sarili ang padre de pamilya na si Raymundo Diaz, 59, negosyante. Residente ang mga ito ng Greenland Subdivision, Barangay 4, Himamaylan City.

Sa report ng Himamaylan City Police Station, 6:00 ng umaga Sabado nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ng mag-live in partner.

Ayon kay Police Lt. Col. Romeo Vargas, hepe ng Himamaylan City Police Station, nagpaalam si Egca kay Diaz na pupunta sa bahay ng kanyang mga magulang para doon sana magdiwang ng ika-24 kaarawan kasama ang mga bata.

Nagalit si Diaz at ipinasok nito ang mag-iina sa kanilang silid saka isa-isang pinagbabaril sa ulo.

Narinig ng kasambahay ng mga biktima ang magkakasunod na putok ng baril kaya agad nilang binuksan ang silid ng mag-asawa at bumulaga sa kanila ang apat na nakahandusay at walang mga buhay.

Agad silang humingi ng tulong sa mga otoridad at narekober sa loob ng kuwarto ang super 38 caliber pistol.

Isinugod pa sa ospital ang apat pero idineklarang patay na.

Nabatid na madalas nagtatalo sina Diaz at Egca dahil sa selos at hinalang may ibang lalaking kinalolokohan si Egca na mas bata kumpara kay Diaz.

The post DADDY MINASAKER ANG KANYANG MAG-IINA AT NAGPAKAMATAY DIN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DADDY MINASAKER ANG KANYANG MAG-IINA AT NAGPAKAMATAY DIN DADDY MINASAKER ANG KANYANG MAG-IINA AT NAGPAKAMATAY DIN Reviewed by misfitgympal on Agosto 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.