Facebook

PNP officials, at maimpluwensiyang pulitiko sabit sa jueteng payola

KAILAN kaya atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si DILG Secretary Eduardo Año na imbestigahang mabuti ang akusasyong ng mga source na mayroon umanong tatlong matataas na opisyal ng PNP sa Oriental Mindoro at isang maimpluwensiyang pulitiko ang patuloy na tumatanggap ng suhol mula sa Jueteng lord nang hanggang P20 milyon bawat buwan sa bagong LUCKY BARANGAYAN BINGO na umanoy namamahala sa operasyon ng jueteng..

Sinabi ng source na sa sandaling matukoy ang mga pangalan ng diumano’y mga protektor ng jueteng kailangan sampahan ang mga ito ng kaso base sa makakalap na ebidensiya kung saan 11 kubrador na ang nasakote ng CODG-4B kamakailan.

Ginawa ng source ang pagbubunyag sa Jueteng dahil sa diumanoy tumatanggap ng buwanang suhol na P10 milyon ang ilang mataas na opisyal ng PNP; P6 milyon naman sa maimpluwensiyang pulitiko; P1.6 milyon sa ilang tiwaling mayors P1 milyon sa opisyal ng National Bureau of Investigation, P1 milyon para sa mga Barangay Captain.

Ayon sa source, ikinalulugod niya ang pagsisikap ng ilang mga matitinong awtoridad at simbahan na kondinahin ang pamamayagpag ng operasyon ng jueteng sa nasabing probinsiya.

Gayunman, sinabi ng source na kailangang matukoy ang mga pangalan ng sinasabing mga tiwaling opisyal at maimpluwensiyang pulitiko na tumatanggap ng suhol mula sa mga jueteng lords.

Dagdag pa ng source, pinagtatawanan lamang umano ang EO No. 13 ni Pangulong Duterte maging ang “marching order” ni DILG Sec Año?

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post PNP officials, at maimpluwensiyang pulitiko sabit sa jueteng payola appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PNP officials, at maimpluwensiyang pulitiko sabit sa jueteng payola PNP officials, at maimpluwensiyang pulitiko sabit sa jueteng payola Reviewed by misfitgympal on Agosto 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.