Facebook

3 BOC Officials, bantog sa korapsyon

MATAGAL na ring hindi suki ng media ang Bureau of Customs (BOC) dahil wala nang senador ang nagbubunyag tungkol sa katiwalian at korapsyon sa naturang ahensiya.

At tila napakaingat na ng mga opisyal at kawani ng BOC kapag iligal na droga ang isyu.

Hindi ko alam kung resulta ito ng paghihigpit ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero o ubod nang husay dumiskarte ang mga korap na opisyal ng BOC o sadyang ayaw uumaksyon ni Guerrero laban sa mga tiwalia at korap sa ahensya.

Anuman ang dahilan, inamin ng impormante ng BIGWAS! na nagtatrabaho sa Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na patuloy pa rin ang korapsyon sa BOC.

Idiniin pa ng impormante na imposibleng matuldukan ang korapsyon sa BOC kahit si Guerrero pa ang nakaupo.

Kinumpirma ng importante na mayroong tatlong opisyal ng BOC ang bantog sa larangan ng korapsyon.

Pokaragat na ‘yan!

Bantog dahil “open secret” sa Customs ang pagiging korap ng tatlong opisyal.

Dalawa sa kanila ay konektado sa Port of Manila (POM).

Isa sa dalawang ‘yan ay kahawig ng gym kapag binasa ang kanyang pangalan.

Ang isa naman ay kapangalan ng isang dating reporter ng The Manila Times na nagtatrabaho na ngayon sa Kamara de Representantes.

Ang ikatlong opisyal ay hindi direktang nakatalaga sa POM, ngunit opisyal siya ng BOC.

Palagay ko, siya ang matulis sa tatlong opisyal dahil sabi nga ng impormante ng BIGWAS! open secret ang pagiging korap ng naturang opisyal.

Pokaragat na ‘yan!

Sa pagkakaalam ko, dati nang opisyal sa BOC ang taong ito.

Kaya lang, natanggal siya sa ahensiya nitong panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tapos, ibinalik uli sa BOC ang naturang opisyal.

Kaya, hindi kalabisan kung sabihin nating isa siyang ‘napakapalas’ na nilalang.

Pokaragat na ‘yan!

Ang totoo, hindi lang ang tatlong opisyal ang korap sa BOC, kundi marami.

Ang kakaiba sa kanila ay bantog ang tatlong opisyal.

Maniwala kayo, hangga’t konektado sa BOC ang tatlong opisyal na binabanggit ko ay patuloy ang katiwalian at korapsyon sa nasabing ahensiya.

The post 3 BOC Officials, bantog sa korapsyon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 BOC Officials, bantog sa korapsyon 3 BOC Officials, bantog sa korapsyon Reviewed by misfitgympal on Agosto 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.