
ANG punong ehekutibo ng kabisera ng bansa na si Mayor Isko Moreno ay nakalabas na ng Sta. Ana Hospital matapos ang matagumpay na pakikipagbuno sa COVID-19.
Bandang alas-8 ng umaga nang umalis ang alkalde ng pagamutan at agad na dumiretso sa kanyang tanggapan sa Manila City Hall kung saan itutuloy niya ang pamamahinga at quarantine sa loob ng tatlong araw.
Sinasaad sa discharge and recovery criteria na ipinalabas ng Department of Health (DOH) para sa pasyente ng COVID at ng World Health Center at Center for Disease Control na ang pasyente ay maidedeklarang ‘recovered’ 10 araw matapos na unang lumabas ang mga sintomas ng sakit, kapag ito ay wala ng lagnat sa loob ng tatlong araw bago ito lumabas, kapag wala na siyang sintomas at bumuti na ang kundisyon nito.
Ayon sa kanyang attending doctor na si Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla, si Moreno ay ilang araw ng stable ang kalagayan bago pa ito pinalabas ng ospital nitong Miyerkules ng umaga na siyang ika-11 araw simula nang lumabas ang sintomas ng COVID-19. Kasama rin sa nag-alaga sa alkalde si Dr. Nerissa Sescon, hepe ng Manila Infectious Disease Control Center na nakabase sa parehong pagamutan.
Sinabi pa ni Padilla na dahil magaling na si Moreno ay ninais nitong gugulin ang natitirang tatlong araw na isolation sa kanyang tanggapan para naman may makagamit ng kwartong mababakante niya dahil sa taas ng kaso ng COVID sa ngayon.
Pinasalamatan ng alkalde ang lahat na nag-alay ng kanilang mga dasal, pagbati at iba pang paraan ng suporta sa panahong siya at si Vice Mayor Honey Lacuna ay nasa pagamutan. Si Lacuna na tinamaan din ng COVID-19 ay nauna ng lumabas kay Moreno sa pareho ding ospital.
“I am extremely proud of and grateful to our city’s medical and health frontliners owing to my first-hand experience with them. I am also very proud of our very own Sta. Ana Hospital,” sabi ni Moreno.
Ayon pa kay Moreno, mas naging madali ang kanyang paggaling dahil alam niya na ang mga departamentong may kaugnayan sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mamamayan ng lungsod ay nagpapatuloy sa kabila na wala sila ni Lacuna sa Manila City Hall.
“I am really proud of our fellow officials and employes who showed to one and all that the system we have established in the city government really works similar to muscle memory,” ayon pa kay Moreno.
Ang mga pagbibigay ng pangunahing serbisyo ay kinabibilangan ng benepisyo para sa senior citizens, persons with disabilities, solo parents at estudyante sa ilalim ng pagsubaybay ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) kung saan si Re Fugoso ang namumuno at ang Office of Senior Citizens’ Affairs sa ilalim ni Marjun Isidro’; ang cleanup operations sa ilalim ng tanggapan ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) kung saan si Arnel Angeles ang pinuno at ang Department of Public Services (DPS) sa ilalim ni Kenneth Amurao bilang pinuno at ang mass vaccination na pinamumunuan ni Dr. Poks Pangan, hepe ng Manila Health Department. (ANDI GARCIA)
The post Isko nakalabas na ng ospital appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: