
Kaliwa’t kanan ang pagkukumahog ng bawat political parties ngayon nalalapit ng ang filing ng certificate of candidacy ng mga tatakbong kandidato para sa 2022 elections.
Lahat ay gustong ihanda ang pinakamalakas na line up para sa kanilang partido.
Sa PDP Laban,tiyak nang tatakbo bilang bise presidente si Pangulong Duterte.
Ano nga ba ang bago sa planong ito?
Ang makakatambal ni Pangulong Duterte sa pagka-pangulo at standard bearer ng partido ay si Senator Bong Go (SBG) umano. Yan ay kung ang mga press releases ng mga taga- PDP Laban Duterte faction ang pag- uusapan.
Pero sa kabila ng mga mga developing events at mga kaganapan,nananatiling tahimik lamang si Sen.Go at focus sa kanyang pagtulong at paglikingkod sa mamamayan.
Ibang klaseng public servant si Go.
Di siya tulad ng mga tradisyunal na pulitiko na seasonal kung makita ng publiko.
Tuwing elekson lamang lumulutang ika nga.
Pinatunayan ni Go na siya ay legit public servant for all season. Day in and day out 24/7 ang kalidad ng kanyang pagseserbisyo sa tao.
Walang malayong lugar o sulok ng bansa ang di niya mararating upang tumulong.
Sa lahat ng mga senador,tanging si Bong Go lamang ang may pinakamalaking working staff na nagta-trabaho up to the late work hours in the morning.
Kahit sa pag-uwi ng mga ito sa kanilang mga tahanan,bitbit ng mga ito ang responsibilidad na asikasuhin ang mga taong nangangailangan ng tulong.
Ito ang mahigpit na tagubilin ni SBG sa kanyang mga tauhan.
Walang puwang sa kampo ni Go ang maging makupad sa pagresponde sa mga concerns ng ating mga kababayan.
Lahat ay synchronized ang kilos para maihatid sa tao ang serbisyo at matapat na malasakit.
Going back sa tanong na kung ano nga ba ang plano ni Sen.Go ngayon 2022 elections,isa lamang ang rugon ng mama.
‘ I will continue serve the Filipino people”, tugon ni SBG.
In whatever capacity ika nga.
Sa di mabilang natin mga kababayan na nakaranas na ng paulit ulit na tulong mula kay SGB,batid na ng mga ito na si Go ay hulog ng langit para sa kanila.
Kakaiba ang energy ng senador. Parang hindi napapagod. Sa araw-araw ay di ito nawawalang ng meeting and activity scheds.
Lahat ay work and service oriented endeavors na lang tuparin ang kanyang mandato bilang public servant.
Di lamang ang PDP Laban ang nagtutulak kay Go to run for president,di lamang si Pangulong Duterte kundi ang silent majority ng populace na first hand na nakabatid sa tunay na damdamin at pagkatao ng mamang mambabatas.
Maraming matalino at magaling ngunit mabibilang mo lamang sa iyong mga daliri ang tunay na may malasakit at pagmamahal sa bayan at kapwa at iyan ang pangunahing katangian ni SBG.
Mala-Ramon Magsaysay ang datingan at peg.
Champion ng masa.
Again from SBG,he will continue to serve the people in whatever capacity together ofcourse with his Boss President Digong.
Reading between the lines and the body language of the people surrounding Pres.Duterte,makikita natin ang signs ng mga bagay- bagay about to happen.
I will keep you posted guys.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Plano ni SBG malinaw pa sa sikat ng haring araw appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: