
MARIING pinabulaanan ng Philippine Jujitsu International medalist na si Maybeline Masuda ang pinalutang na isyu ng mga epal na kritiko sa umano’y pinababayaan ng kasalukuyang gobyerno ang mga atletang Pilipino partikular sa mga paglahok sa International competitions.
Si Masuda na isang bemedalled jujitsu at wrestling martial artists na beteranong kumakatawan sa Pilipinas sa mga kompetisiyon sa ibayong dapat ay malaki ang pasasalamat sa Philippine Sports Commission (government sport agency) at sa Philippine Olympic Committee (POC) partikular sa administration ni Pangulong Rodrigo Duterte na tunay na kumalinga sa mga atletang Pilipino na hindi nararamdaman sa nakaraang administrasyon.
“We (athletes) are very fortunate for having a president that really cares for us during training, International exposures to actual competitions and even during pandemics that’s why we are reaping medals for our country. “ wika ni Masuda na itinampok ang pagmamalaki sa matagumpay na 30th SEAGames Philippines 2019 na nagbunga ng pagiging overall champion ng bansa sa naturang biennial sports event na naganap mismo sa Duterte administration.
Ang pagpapatunay ni Masuda ay kanyang sagot sa taliwas na ikinalat na impormasyon ng mga kritiko at oposisyon na naglalayong siraan at pulitikahin ang administrasyon sa gitna ng dapat ay selebrasyon ng sambayanan sa nakamit na tagumpay ng Team Philippines nitong nakaraang Tokyo Olympics partikular ang kinukulayan ng pulitikang gintong medalya ni weightlifting heroine Hidilyn Diaz na bumuhat ng kauna-unahang ginto sa Olympiyada at tumapos sa paghihintay nang halos isang dekada ng Pilipinas magmula ng lumahok sa Olympics.
Nagpaabot ng pasasalamat si Masuda kina Pangulong Duterte, Senator Bong Go, PSC chairman William Ramirez at POC president Rep-Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa kanilang teamwork upang kalingain at gabayan ang ating mga pambansang atleta na nagbunga ng ginintuang tagumpay para sa bayan.
The post SINOPLA ANG MGA EPAL NG FAKE NEWS SA PH SPORTS LEADERSHIP appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: