
KUNG kayo po ang tatanungin sa isyu ng pagkatalo ni boxing icon turned senator MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO, 42, kay Olympianbronze medalist JORDENIS UGAS, 35, ng Cuba sa nagdaang match nitong Linggo, Agosto 22 sa Las Vegas, Nevada, U.S.A., ano ang gusto ninyong isigaw sa ating “Pambansang Kamao”, retire o rematch?
Para sa mga nakapanood ng laban lalo na ang nasa 15,000 katao sa venue, personal na sumaksi sa bugbog-saradong laban ni PACMAN versus UGAS, kitang-kita ang pagkagapi ng tanging boksingerong nakahawak ng 8 belts bilang 8-Division World Champion. Tinatayang out of 400 punches ni UGAS na halos solid, nasa 800 ang bitaw ni PACMAN pero di halos nakakalahati sa patama ni UGAS. Si PACMAN angchallenger, bawas ulit sa belt niya pero dagdag-honor kay UGAS na tinalo by unanimous decision ang greatest boxer of our time na si PACQUIAO.
Malinaw sa footages na mahina at kapos na ang mga banat ng boxer-politician kahit pa unang binanggit na todo-ensayo ito bago ang match mula pa noong itinakda ang laban versus ERROL SPENCE, JR. na kanselado almost two weeks before the match. Kailangan umanong operahan ang eye injury ni SPENCE kaya pinalitan ni UGAS para tuloy ang laban.
SENYALES NG PAGKATALO?
TAMA nga ba ang kutob ng followers na senyales na ang mga aberya sa match at tuluyan na lang sanang kinansela sa pag-atras ni SPENCE? Sa dami ng isyu bukod sa pag-kalas ni SPENCE, burden kay PACMAN ang pagkakaso ng PARADIGM Sports sa pagtanggap niya ng laban sa iba kahit may signed contract dito.
Ikinatwiran ni PACQUIAO na kulang na ang cash nang matanggap kaugnay ng mga isinaayos na papeles. Nauna rin umano angnegosasyon niya sa promoter ng match bago nagkapirmahan sa PARADIGM.
Sabay din sa burden ni PACMAN ang kasalukuyang sigalot sapulitika. Tinanggal siya bilang pangulo ng partidong PDP-LABANsucceeded by Dept. of Energy Sec. ALFONSO CUSI, atas umano ni PartyChairman RODRIGO DUTERTE dahil tatakbong presidente ang anak na si Davao Mayor SARAH. Elected umano si PACMAN sa partido at di dapat palitan without due process, kaya may banta ng faction sa pamumuno ni Sen./Atty. KOKO PIMENTEL. So, kabilang din ba sa senyales ang gusot bilang dagdag-panggulo ng isip?
KARERA NI PACMAN, SAAN PAPUNTA?
TANGGAP ni PACQUIAO ang pagkatalo kay UGAS, hindi raw niyanapaghandaan sa maikling preparasyon. Habang undecided sa boxingcareer sa binitawang linya, “in the near future na, tutok muna sapamilya at political career,” set for a meeting ang grupo sa Septemberbefore the official filing of candidacy sa October. Potentialpresidential bet siya.
Sa banat ng anti-PACQUIAO camp led by PD30, ‘Mag-aral ka muna, MANNY’, lutang ang isyu na sobrang pera at power ang target ni PACMAN kaya ayaw bumitaw sa boksing kahit wala nang dapat patunayan at nasa retirement age na. Lampas din ang presidential ambition sa mababang educational background, at di kinaya ang kongreso sa record ng absenteeism at non-participation sa deliberation. Kung ano pa ang mararating o kung pupulutin sa kangkungan si PACMAN, abangan na lang po natin. Meanwhile, let’s push our Democracy. HAPPY READING!
The post PARA KAY PACMAN, RETIRE O REMATCH? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: