Facebook

Police Colonel tinodas ni Sarhento

Patay ang Provincial Director ng Sulo nang barilin ng isang pulis na nakatalaga sa Quarantine Check Point sa Big Bites, Barangay Asturias ng nasabing bayan, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Police Colonel Michael C. Bawayan Jr., 49 anyos, tubong Baguio City, kasalukuyang Provincial Director ng nabanggit na probinsya.

Kinilala naman ang salarin na si Staff Sergeant Imran A. Jilah, nakatalaga sa 3rd MP ng 2nd Mobile Force Company, 43, residente ng Kasalamatan Village, Bgy. San Raymundo ng ng parehong bayan.

Sa ulat kasalukuyang nag-i-inspection sa naturang check point ang opisyal nang magtalo sila ng sarhento, tapos biglang binunot ng huli ang kanyang service firearm at ipinutok sa kanyang opisyal. Agad naman gumanti ng putok ang mga police aid ng opisyal at napatay si Jilah.

Naisugod pa sa pinakamalapit na pagamutan ang opisyal subalit idineklarang dead on arrival. (Koi Laura)

The post Police Colonel tinodas ni Sarhento appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Police Colonel tinodas ni Sarhento Police Colonel tinodas ni Sarhento Reviewed by misfitgympal on Agosto 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.