Facebook

RURAL WORKERS SA DAMULOG AT DON CARLOS, BUKIDNON INAYUDAHAN NI BONG GO

Sa pamamagitan ng video message ni Senator Christopher “Bong” Go sa isinagawang relief operation sa Damulog at Don Carlos, Bukidnon noong July 30 ay kaniyang kinilala ang sakripisyo ng mga manggagawa sa pagbibigay serbisyo sa mga kanayunan ngayong panahon ng COVID-19 pandemIc.

Bilang pagpupugay sa masigasig na pagseserbisyo ng mga rural worker ngayong panahon ng krisis ay hinimok ni Go ang komunidad na sundin at makipagkaisa sa mandato ng health protocols.

“Mga kababayan, hangga’t nandiyan pa ang COVID-19 ay delikado pa rin ang panahon. Binabalanse ng gobyerno ang lahat ng bagay pero pinaka-importante pa rin ang buhay ng ating mga kababayan. Kaya mag-ingat kayo palagi dahil hindi na natin kakayanin na magsasara na naman ang mga negosyo at tumaas ang bilang ng mga kaso. Mapupuno na naman ang mga ospital at baka bumagsak ang ating healthcare system. Iyan ang iniiwasan natin kaya pakiusap, ‘wag kayong magkumpiyansa habang nagpapabakuna pa tayo,” pahayag ni Go.

Ang grupo ni Sen. Go ay namahagi ng mga pagkain, vitamins, masks and face shields sa may 2,028 benepisaryo na binubuo ng motorela at payong-payong drivers, market vendors at indigenous peoples, na isinagawa sa Damulog municipal gym at Barangay Sinangguyan covered court, Don Carlos.

Ilang piling mga benepisaryo ay napagkalooban ng mga bagong pares ng sapatos at ang ilan naman ay bisekleta. Ang iba ay computer tablets ang natanggap para magamit ng kanilang mga anak sa pag-aaral sa ilalim ng blended learning approach.

Bahagi ng proyekto ng gobyerno sa epekto ng COVID-19 sa mga vulnerable sector ay naroon din ang mga kinatawan ng iba’t ibang sangay ng gobyerno tulad ng Department of Social Welfare and Development na namahagi ng financial assistance at ang Department of Agriculture ay namigay naman ng vegetable seedlings.

Ang Technical Education and Skills Development Authority ay nagsagawa ng assessments para sa scholarship program at ang Department of Trade and Industry gayundin ang Department of Labor and Employment ay nagsagawa rin ng kahalintulad na ebalwasyon para sa maaaring maging benepisaryo sa training at livelihood assistance programs.

“Maraming maraming salamat sa DSWD, sa mga ibang ahensya at kay President Rodrigo Duterte para sa mga ayudang natanggap namin dito. Salamat, Senator Bong Go, para sa inyong tulong at sa aking bagong bike!” pahayag ng Damulog resident na si Alma Malopa.

Bilang Chair of the Senate Committee on Health, ay hinimok ni Go ang mga mayroong pangangailangan sa medical o pagpapagamot na sadyain ng mga ito ang Malasakit Centers na nasa Bukidnon Provincial Hospital, Maramag para matulungan ang mga ito sa kanilang mga bayaring pagpapagamot.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop para sa medical assistance ng mga pasyente mula sa iba’t ibang government agencies tulad ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang Malasakit Centers Act of 2019 ay inakdaan at inisponsoran ni Go.

Sa video message ni Go ay pinasalamatan nito ang mga public official sa kanilang pamumuno ngayong pandemya. Kabilang sa mga nagsidalo sa naturang aktibidad ay sina Governor Jose Ma. Zubiri Jr., Damulog Mayor Mel Buro at Vice Mayor Alberto Salmasan, Don Carlos Mayor Ma. Victoria Ontanillas-Pizarro at Vice Mayor Rex Mercadera.

Bahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya at imprastraktura, si Go na siyang Vice Chair of the Senate Committee on Finance, ay sinuportahan nito ang pagpopondo sa pagpapatayo ng evacuation center, municipal building at local access road gayundin ang electrification at solar lights project sa bayan ng Damulog.

Sinuportahan din nito ang pagpapatayo ng slaughterhouse, multi-purpose building sa Northern Bukidnon Agri-Industrial Economic Zone Road Network at Southern Bukidnon Agri-Industrial Economic Zone road network development projects sa Don Carlos.

Tinulungan din ni Go ang naturang probinsiya para sa construction o improvement ng missing road links sa Baungon, Libona at Talakag; access road na hahantong sa Bukidnon Airport; farm-to-market at local roads sa Cabanglasan, Kadingilan, Kibawe, Kitaotao, Lantapan, San Fernando, Talakag at Valencia City; at iba pang mga kalsadang mag-uugnay sa buong probinsiya.

Noong July 27, ang grupo ni Go ay namahagi rin ng tulong sa may 498 market vendors at farmers sa Malitbog. Lahat ng aktibidad ay tiniyak ng mga nangasiwa na nasusunod ang mahigpit na pagpapairal ng health and safety protocols laban sa COVID-19.

The post RURAL WORKERS SA DAMULOG AT DON CARLOS, BUKIDNON INAYUDAHAN NI BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
RURAL WORKERS SA DAMULOG AT DON CARLOS, BUKIDNON INAYUDAHAN NI BONG GO RURAL WORKERS SA DAMULOG AT DON CARLOS, BUKIDNON INAYUDAHAN NI BONG GO Reviewed by misfitgympal on Agosto 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.