
Huli sa akto ang 21-anyos na lalaki habang binobosohan ang 19-anyos na dalagang naliligo sa banyo sa Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Ronel Catacutan.
Sa ulat, itinago ang biktima sa pangalang “Maricris,” na naliligo sa shower room ng kanilang bahay sa Mangatarem, Pangasinan.
Pero habang naliligo, naramdaman daw niya na may nakasilip sa kaniya kaya napatingin siya sa itaas ng pader na nagsisilbing divider ng shower room at toilet.
Noon na niya nakita ang suspek, na nakatingin sa kaniya kaya napasigaw siya.
Kaagad naman sumaklolo ang mga kaanak ni Maricris at inabutan pa nila ang suspek na nakatungtong sa gripo.
Napag-alaman na bisita si Catacutan ng kapatid ni Maricris na nagdiriwang noon ng kaarawan.
Nagpaalam daw ang suspek sa gitna ng inuman na makikigamit lang ng banyo para umihi.
Sa kulungan, idinahilan ni Catacutan na hindi na niya alam ang mga nangyari dahil sa kalasingan.
Humingi ng patawad si Catacutan sa biktima kahit pa wala raw siyang ginawang masama.
The post Bebot binosohan ng bisita habang naliligo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: