
NANAWAGAN si Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate committee on heath kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga concerned government agencies na ituloy ang pagha-hire ng 15,000 contact tracers mula August 2 hanggang December 31.
Binigyang-diin ni Go ang kritikal na tungkulin ng mga contact tracers sa panahon ng pandemya at sa response ng gobyerno para matulungan ang mga mamamayan.
Sinabi ni Go na ang pagiging contact tracer ay mainam na paraan para makatulong sa mga kababayan at mabibigyan pa ng trabaho ang mga Pilipinong nawalan ng hanap-buhay.
Ayon kay Go, habang nakakatulong ang mga contact tracers sa laban kontra COVID-19, matutulungan din ang mga ito na maitawid ang kanilang mga pamilya laban sa gutom at kahirapan.
Giit ni Go, mahalagang bahagi ng COVID-19 response ang contact tracing at case investigation lalo pa at napakahalaga na ma-detect agad ang mga suspected, probable at confirmed COVID-19 cases.
Samantala, inaasahang aabot sa P1.7 billion ang magagastos sa pag-hire ng 15,000 contact tracers hanggang sa Disyembre.
Kaugnay nito, sinabi ni Go na sana ay magawan ng paraan para tuloy-tuloy ang pag-hire ng bansa ng mga contact tracers lalo na ngayon sa banta ng mas nakakahawang Delta variant
Dagdag pa ni Go na dapat ay patuloy din madagdagan ang kapasidad ng mga healthcare facilities at higit sa lahat ay mas dapat pabilisin ang pagbabakuna. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Go: Hiring sa mga contact tracers, tuloy-tuloy appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: