Facebook

Cong. Momo, kaisa ng Surigaonons vs pandemya at ayudang 5k naging kalahati?

HINDI alintana ang banta ng kinatatakutang novel coronavirus 2019 o COVID-19, masigasig na nilibot ni Congressman Romeo Momo Sr. (CWS party-list) ang mga bayan at lungsod sa Surigao del Sur sa layuning mailatag ang maayos at kinakailangang estratehiya upang epektibong matugunan ang mga kinakailangan ng kanyang mga kapwa Surigaonons sa gitna ng nararanasang pandemya.

Alam niyo ba mga Ka Usapang HAUZ bago ang pagpapalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ng guidelines sa ipatupad na quarantine classification sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ay personal na sinaksihan si Rep. Momo ang bloodletting activity sa Brgy. Telaje, Tandag City noong nakalipas na linggo.

Upang mahimok ang marami na mag-donate ng kanilang dugo, na malaking tulong para masiguro ang pagkakaroon ng sapat na suplay nito lalo na para sa gamutan ng mga pasyenteng tinamaan ng virus, ay binigyan ni Congressman Momo ng bigas at face mask ang mga blood donor, ang husay.

Bukod dito, nagkaroon din ng pakikipagpulong ang mambabatas, na dating Undersecretary ng DPWH, sa opisyal ng mga barangay sa munisipalidad ng Cantilan, at inalam ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at kung paano makakatulong sa mga residente nito ang kanyang tanggapan.

Sa Brgy. Quirino, Madrid, nagsama-sama sa isang pulong ang mga opisyal ng lalawigan, sa pangunguna nina Madrid Mayor Mary Grace Kimura, Board Member Manuel “Mangi” Alameda Sr. at Board Member Valerio Montesclaros maipaabot kay Cong. Momo ang sari-saring concerns ng mga nasa maliliit na komunidad.

Sa naturang pulong, pinangunahan ni Momo ang paghahain ng mga estratehikong solusyon para matugunan ang mga hamon ng pandemya at tiniyak na ipatutupad nila ang mga ito sa susunod na mga araw.

Pagtitiyak na mambabatas, na siyang senior vice-chairman ng House Committee on Public Works and Highways at House Appropriations Committee, nakikipag-ugnayan ang kanyang tanggapan sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan para masigurong makaabot ang mga tulong para sa Surigaonons na apektado ng COVID-19 pandemic.

Kabilang dito ang pagbibigay ng food packs mula sa Department of Social Welfare and Developments (DSWD), cash assistance sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE), cash assistance para sa tourist sector workers sa pamamagitan ng Department of Tourism (DOT), loan assistance na magagamit na kapital ng kanilang Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs sector at iba pa.

Idinagdag din ng kongresista na mayroon din silang open communication lines sa Department of Health (DOH) at IATF para sa pagpapadala ng request para kakailanganin hospital supplies and equipments gayundin ang kaukulang suplay ng COVID-19 vaccines na ipadala ng national government sa kanilang probinsya.

Pagmamalaki naman ni Momo, ang nabuo nilang mga estratehiya ito ay suportado nina Surigao del Sur Governor Alexander “Ayec” Pimentel, Cong. Johnny Pimentel ng Surigao Del Sur 2nd District, Tandag City Mayor Roxanne Pimentel, at Tandag City Vice Mayor Eleanor Momo, na maybahay ng kongresista.

Ang buong Surigao del Sur ay isinailalim sa general community quarantine (GCQ) hanggang sa Agosto 31, 2021, batay sa pinakahuling direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

***

Nagtatanong ang mga residente ng Barangay 87 Caloocan City kung bakit naging P2,500 ang dapat na 5k bigay tulong Ayuda ni Senator Bong Go sa kada pamilya sa lugar

Dumating sa kaalaman ng Usapang HAUZ na wala pang sagot si Brgy, 87 Chairman Edgar Anthony “Sugar” Ocampo sa katanungan ng nasa 50 hanggang 60 residente na pumila sa Bonifacio Elementary School nito lamang August 4 para kuhanin ang pangakong 5k tulong pinansiyal kada pamilya ng butihing Sen. Go.

Malinaw ang paliwanag ng inatasang staff ni Sen. Go sa mga pamilyang tatanggap ng ayuda na 5k ang kanilang makukuha, reklamo ng residente ng Brgy 87 pinapirma sila ng staff ng DSWD at ilang Brgy official at labis ang kanilang pagtataka kung bakit naging P2,500 na lang ang kanilang natanggap.

Bukas ang espasyo ng Usapang HAUZ sa paliwanag ng magiting na Chairman ng Brgy 87 Kap. Ocampo para sa ikaliliwanag ng mga residente kung bakit naging P2,500 ang dapat na 5k ayudang mula kay Sen. Go.

***

Anumang Reaksiyon Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt sa 0935-2916036

The post Cong. Momo, kaisa ng Surigaonons vs pandemya at ayudang 5k naging kalahati? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Cong. Momo, kaisa ng Surigaonons vs pandemya at ayudang 5k naging kalahati? Cong. Momo, kaisa ng Surigaonons vs pandemya at ayudang 5k naging kalahati? Reviewed by misfitgympal on Agosto 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.