Facebook

Hidilyn Diaz, ‘national hero’ sa larangan ng sports?

HINDI pa rin tumitigil ang pagkawag ng mga dila ng mga promotor ng hate campaign laban kay Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero.

Pilti pa ring innuga ng mga panirang tropa ng tsismosa at tsismoso ang matibay na upuan ni Jagger – na ang sabi, maggu-goodbye na raw ito ngayong buwan ng Agosto.

Nangingiti na lamang si Commissioner Guerrero na ang sinasabi, maraming paa ang natapakan niya sa patuloy na reporma na ipinatutupad niya sa BoC.

Opo, mismong ang Malakanyang ang nagsabi: There was no truth to the claim that a certain group are already out for scouting a new man for the replacement of Guerrero.

Ang nasa likod ng smear campaign na ito, ayon sa ating naririnig, ay ang mga nasagasaan sa patuloy na paghihigpit at mga ipinatutupad na reporma na ginagawa ngayon ng makisig na komisyoner.

Mabuti ay magbago na kayo, mga kaibigan.

***

Bukod sa Medalyang Ginto na nakuha ni Hidilyn Diaz, nagtala siya ng bagong Olympic record sa 55-kilogram event nang mabuhat niya ang kabuuang 224 kilogram sa women’s division.

Isang kilogram ang iniabante ni Hidilyn laban sa dating World champion Liao Quiyun ng China sa kinargang 223k.

Sa huling pagbuhat, malinis na naitaas ni Hidilyn ang Olympic record of 127kg habang si Liao ay sumikwat lamang ng 126 sa huling pagbuhay para sa pagsungkit ng Gintong Medalya.

Napakahirap ng dinaanang pagsubok ng ating kampeon bago nakamit ang unang Olympic Gold Medal ng bansa.

Ito ang ulat ng Agence France-Presse noong Hulyo 28 kung paano nilabanan ni Diaz ang matinding lungkot, pagkabalisa, takot at tibay ng loob at tapang upang malampasan ang lahat para matamo ang tagumpay.

Kakain daw siya nang marami, aniya sa Agence France-Presse matapos na tanggapin ang panalo laban kay Liao.

Kasi, talagang pinigil niya ang kumain ng paborito niyang pagkain para mamentena ang tatag at lakas sa pagbuhat, sabi ng 30-anyos na dalaga na may taas na 5 piye at isang pulgada.

***

Unang nanalong Olympic Silver medal si Hidilyn, limang taon na, sa 53kg class sa Rio Olympics.

Malaki ang naitulong ng kanyang Chinese coach na si Gao Kaiwen para mapahusay ang teknik niya sa pagbuhat, sabi ng kampeon.

Napakalaki ng ginawa niya (Gao) upang mapabuti ko ang aking pagbuhat.

Marami nang Chinese Olympic medalists, kasama si 2012 women’s superheavyweight gold winner Zhou Lulu ang naturuan ni Gao ng mahusay na paraan sa weightlifting.

Malaki ang pasasalamat ni Hidilyn kay Gao, sabi niya sa Agence France-Presse dahil sa itinurong bagong routines sa pagbuhay ng mas mabibigat na timbang at kasama ang ikalawang coach na si Julius Naranjo, nabuo ang ‘Team HD.’

Kaya, nagawa niyang buhatin nang maayos ang 119kg, 124kg at 127kg sa tatlong ‘clean and jerk attempts.’

***

Sa Malaysia nanirahan si Hidilyn nang pumutok ang COVID-19 pandemic noong Pebrero 2020.

Kaylungkot ang mawalay sa sariling pamilya, sa kanyang tungkulin bilang sundalo ng Philippine Air Force at ang pag-aaral sa kolehiyo.

Sobrang na-miss niya ang buhay sa Zamboanga at ngayong nakauwi na siya, sunod-sunod ang selebrasyon at mga gantimpalang salapi, karangalan at iba pang pribilehiyo na parang agos ng tubig sa ilog na hindi maawat sa pagdating.

Si coach Gao ang nakaisip na sa Malaysia magsanay si Hidilyn noong Pebrero 2020.

Kailangan ang todong-pokus para makasali sa Tokyo Olympics.

Pinagtiisan ng Team HD ang isang munting apartment block sa Kuala Lumpur at noong Oktubre 2020, lumipat sila sa isang bahay sa dalampasigan sa Malacca na pag-aari ng isang opisyal ng isang Malaysian weightlifting official.

Nang maghigpit sa health restriction dahil sa COVID-19, sa garahe na lang nagsanay si Hidilyn, hanggang dumating ang kumpetisyon sa Tokyo Olympics.

Handa na ba siya na parangalang ‘national hero’ sa larangan ng sports?

Hindi raw, pero ang kanyang pasasalamat sa Diyos na maging instrumento siya sa pagbibigay inspirasyon sa mga kabataan at sa kapwa mamamayang Filipino na ngayon ay nililigalig pa rin ng salot na pandemyang COVID-19.

Kasama ang pitak na ito, ang lahat ng 110 milyong Filipino, kami ay mainit na bumabati at nagbubunyi sa iyong tagumpay Hidilyn.

Nakatatak na ang pangalang ‘HIDILYN DIAZ’ sa kasaysayan ng bansa.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post Hidilyn Diaz, ‘national hero’ sa larangan ng sports? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hidilyn Diaz, ‘national hero’ sa larangan ng sports? Hidilyn Diaz, ‘national hero’ sa larangan ng sports? Reviewed by misfitgympal on Agosto 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.