Facebook

MAGPOKUS VS PANDEMYA — BONG GO

LUBOS na nagpasalamat si Senator Christopher “Bong” Go sa sambayanang Filipino sa umaapaw na pagsuportang ibinibigay sa administrasyong Duterte, batay sa resulta ng pre-election survey na isinagawa ng Octa Research Group simula Hulyo 12 hanggang 18.

Gayunman, nilinaw ni Go na dapat ay manatiling nakapokus ang mga lider ng bansa kung papaano malalagpasan ang health crisis kaysa pag-usapan ang nalalapit na pambansang halalan sa susunod na taon.

Batay sa survey, si Davao City Mayor Sara Duterte ang nangungunang frontrunner candidate sa pagkapangulo habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang rumeremate sa karera sa pagkabise-presidente kung magdedesisyon na muling tumakbo ang chief executive.

“Maraming salamat po sa mga kapatid kong Pilipino sa inyong patuloy na pagtitiwala at pagsuporta sa amin ni Pangulong Duterte. Ngunit, nasa Pilipino na po ang desisyon pagdating ng panahon,” ani Go.

Para naman sa senador, muli niyang iginiit na hindi siya interesadong tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography, sinabi ni Go na ang prayoridad niya ay matiyak na malalagpasan ng bansa ang pandemya at maprotektahan ang nakararaming populasyon sa pamamagitan ng vaccination program tungo sa herd immunity.

“Ako naman po, bilang chairman ng Committee on Health sa Senado, patuloy akong naka-focus sa pagtulong sa pamahalaan kung paano mas mapabilis malampasan ang pandemya at maibsan ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan.”

“Darating din po ang panahon na magpa-file na po ang mga kandidato at darating din po ang panahon ng pulitika. Ako naman po, let me repeat, I am not interested to run,” ayon kay Go.

“Sa pagiging isang Pangulo at Pangalawang Pangulo, it’s all destiny. Kung para sa iyo, para sa iyo talaga ‘yan. Kung hindi para sayo, hindi talaga para sayo ‘yan. At kung sino po ‘yung kailangan ng mga Pilipino sa panahong iyon,” idinagdag niya.

The post MAGPOKUS VS PANDEMYA — BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAGPOKUS VS PANDEMYA — BONG GO MAGPOKUS VS PANDEMYA — BONG GO Reviewed by misfitgympal on Agosto 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.