Facebook

BONG GO: WANTED 15K CONTACT TRACERS

HINILING ni Senator Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa concerned agencies ang paghahanap at pagkuha ng 15,000 contact tracers simula August 2 hanggang December 31 dahil sa kritikal na papel ng mga ito sa ginagawang paglaban ng pamahalaan sa pandemya.

Ayon kay Go, isa rin itong mabuting paraan para makatulong sa ating mga kababayan, sa pamahalaan at makapagbigay na rin ng trabaho sa mga nawalan ng kabuhayan.

“Habang nakakatulong sila sa laban kontra COVID-19, matutulungan rin natin ang mga contact tracers na maitawid ang kanilang mga pamilya laban sa gutom at kahirapan,” ayon kay Go.

Dahil sa napakalaking banta ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19, idiniin ni Go ang mahalagang papel ng contact tracers para makontrol ang pandemya.

“Contact tracing and case investigation are important parts of our COVID-19 response,” ani Go, chairman ng Senate committee on health.

“Marami po sa ating mga kababayan ang gustong tumulong. Pwede silang maging contact tracers kung bibigyan sila ng karampatang training at kompensasyon bilang kabuhayan na rin sa mga nawalan ng trabaho,” sabi ng senador.

Sinabi ni Go na ang maagang detection ng suspect, probable at confirmed COVID-19 ay pangunahin o pinakamalaking laban ng bansa sa virus.

“Contact tracing enables the quarantine and treatment of those who may have been infected with the virus, interrupting the infection’s chain of transmission,” pagdidiin ng mambabatas.

Higit dito, ang contact tracers ang “initial point of contact” para sa mga kaso ng COVID-19. Sila ang nagsasagawa ng case interviews at risk assessments, monitoring sa close at general contacts sa loob ng 14 araw para mapanatili ang accurate records ng mga contacts.

Inaasahang gagastos ang pamahalaan sa pagkuha ng 15,000 contact tracers ng halagang P1.7 billion.

Sa pagkuha ng nasabing bilang ng contact tracers, makakamit ng gobyerno ang inasahan ng Department of Health na 1:10 contact tracer-to-individual ratio.

“Sana po ay magawan natin ng paraan para tuluy-tuloy ang pag-hire ng contact tracers sa bansa, lalo na ngayong may bantang dala ang Delta variant. Hinihimok ko po ang gobyerno na hanapan ito ng pondo para po tuluy-tuloy ang kanilang trabaho,” sabi ni Go.

Para maiwasan ang paglaganap ng Delta variant, napilitan ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na ilagay ang NCR sa heightened GCQ hanggang August 5, 2021, at ECQ simula August 6 hanggang August 20.

Bukod sa pagbabalik ng ECQ at border controls, nauna nang ipinanawagan ni Go ang pagpapalawak sa mga healthcare facilities, mas mabilis na vaccination deployment at pagdaragdag ng contact tracing at genome sequencing.

“Maliban sa istriktong quarantine guidelines, mas paigtingin din natin ang border control at travel restrictions sa bansang maraming kaso ng Delta variant. Hinihimok ko rin ang pamahalaan na mas palakasin pa ang contact tracing at genome sequencing sa bansa,” sinabi ni Go.

The post BONG GO: WANTED 15K CONTACT TRACERS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BONG GO: WANTED 15K CONTACT TRACERS BONG GO: WANTED 15K CONTACT TRACERS Reviewed by misfitgympal on Agosto 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.