KULONG ang 21-anyos na snatcher nang hablutin ang mobile phone ng isang dalaga at sinapak pa ang nagmalasakit na vendor Martes ng hapon sa Malabon City.
Nabawi ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 sa snatcher na si Syruz Bronuela ng No. 10 Lingkod Nayon, Barangay Tugatog ang hinablot niyang touch screen mobile phone kay Sharina Marie Salor, 32, ng Consuelo St., Brgy. Acacia, nang masakote sa follow-up operation.
Sa ulat, kausap ng biktima sa video call ang isa niyang suki sa pagtitinda sa harap ng kanyang tirahan 5:30 ng hapon nang lapitan ni Bronuela at hinablot ang kanyang cellular phone.
Humingi ng saklolo ang biktima sa kanyang pinsan na si Salmer Dela Cruz, 34. Nang patungo na sa barangay hall ng Brgy. Tugatog ang dalawa upang magreklamo, sumulpot ang snatcher at sinapak sa mukha si Dela Cruz.
Nahaharap sa mga kasong robbery snatching at physical injury si Bronuela sa piskalya ng Malabon City.
The post Snatcher nanakit at nanghablot ng celfone, kulong appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: