PARANG dalagitang inuurungan ng regla at nagpupuputak itong si former Senator Antonio Trillanes.
Si Vice President Leni Robredo naman ngayon ang kanyang binabanatan at inaatake.
Masyado raw maarte at sinungaling itong si VP Leni.
Maraming kesyo-kesyo noong nakikipag-schedule itong si Trillanes ng isang unification meeting sa bise presidente.
Kesyo mortal daw na kasalanang pag-usapan at pagplanuhan ang pulitika at ang 2022 presidential elections sa panahon ngayong nasa ilalim ng isang pandemya at health emergency ang bansa.
Ayon pa umano sa mga boladas ni Robredo, dapat ay mag-focus na muna ang mga katulad nilang opisyal ng gobyerno sa pagtulong sa mga mamamayan na sobrang apektado ng salot na Covid-19.
Ni hindi umano direktang makausap o maka-chat ni Trillanes itong si VP Leni gayong magkasanggang-dikit naman ang dalawang miyembro ng hard core opposition.
Kailangan pa umanong dumaan sa isang aide ng bise president ang tawag ni Trillanes.
What a pity!
Ito pa ang laman ng sama ng loob ni Trillanes kay Leni.
Nagulantang na lamang ang dating senador nang malaman nitong nakipagmeeting na pala itong si Aling Leni kina Senators, Pinky Lacson, Vicente Sotto III at Dick Gordon.
Daig pang sinampal sa magkabilang pisngi ang naramdaman ng Magdalo former senator.
Feeling n’ya (Trillanes) less important siya sa pananaw ni Robredo.
Eh ano pa nga ba!
May tama ka dyan former Senator Trillanes.
Eh sino naman ang magbibigay ng importansiya dito kay Trillanes na parang “nasisiraan na ng bait”!
Nadiskaril na ata sa realidad?
Wala na rin itong kredibilidad at suporta mula sa publiko.
Only a handful of his friends remains loyal to him.
Kahit ang Partido Magdalo ay halos wala nang bilid sa kanya.
In short, even VP Robredo knows this from the very start.
Nodody loves a “has been”, a loser at that!!
Di pa sumisikat, laos na!
Walang dapat sisihin si Trillanes kung bakit ganoon ang naging treatment ng mismong mga kasamahan niya sa oposisyon led by VP Robredo.
Naniniwala kasi ang grupo ni Robredo na di makakatulong at makakasira pa nga kung madidikit sila sa pangalan ng laos na sundalong kanin!
Pero inspite of the glaring reality o nagsusumigaw na katotohanan, “hell bent” si Trillanes na tumakbong presidente ng bansa come May 2022 elections.
Karapatan n’ya ito pero ang pinakamasakit, mismong pamilya ng dating senador ay napapailing at napapahiya sa mga ginagawang hakbang nitong si Trillanes.
Ang tanong ngayon, may TANGA pa bang patron o financier ang laang tumulong sa kandidatura n’ya.
Sa personal na pananaw ng inyong abang lingkod, kahit barangay captain sa kanyang lugar tumakbo itong si Trillanes ay mahihirapang manalo.
Sino bang tao on his right mind ang gugustuhing maging pinuno ng kanyang lugar ang isang Trillanes?
Sa naging track record nito sa Senado, walang itong naging landmark accomplishment kundi ang makipag-away sa lahat, maging sa kapwa niya mga senador.
Ipinakita rin ni Trillanes ang kanyang pagiging mal-edukado,bastos at walang galang sa mga babae, mas nakakatanda at mga dekalibreng pulitiko ng bansa na may ilang panahon na ring naging haligi ng institusyon ng Senado at nakapaglingkuran na rin ng ilang dekada sa bansa at sa gobyerno.
Sumobra ang pagiging palalo at mayabang ng dating sundalong-kanin!
Kung yaong mismong mga kaalyado niya sa oposisyon ay halos parang may ketong siyang iniiwasan, taongbayan pa kaya?
Ang masaklap na katotohanang di malunok ni Trillanes, wala ng siyang maloloko at mabobola pang tao dito sa Pilipinas.
Kung may nakikiharap man sa dating senador sa kanyang mga political consultations and sorties, pakitang-tao na lamang ito at kaplastikan.
Trillanes can only blames himself.
Siya mismo ang nagself distruct to the point of no return.
KAWAWA KA TSONG!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Kawawa ka tsong! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: