Facebook

REKLAMO SA BENEPISYO NG EX-COP IAAPELA KAY PRRD NI BONG GO

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa isang nagrereklamong retiradong pulis na sana’y mag-isang magsasagawa ng “long walk protest” mula Cagayan de Oro patungong Malacanang sa Maynila na iaapela niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang hinaing at ng mga kapwa retirado ukol sa disability benefits.

Si Hector Fernandez, isang dating sarhento ng Philippine National Police, ay magsasagawa sana ng long protest walk mulang Manolo Fortich, Bukidnon patungo sa Palasyo ng Malacañang para iapela kay Duterte na baliktarin ang naging desisyon ng Department of Budget and Management na isuspinde ang kanilang disability benefit.
Ang nasabing benepisyo ay sinuspinde para masiguro na hindi makatatanggap ang mga PNP official ng double compensation.

“Opo, narinig ko po ang sinabi niya kanina, ang hinaing niya kanina. Ka Hector, ‘wag ka munang maglakad papunta ng Malakanyang, napakalayo po nito at ‘wag kayo mag-alala at ipaparating ko agad kay Pangulong Duterte ang inyong hinaing at mag-aapela po ako sa DOJ (Department of Justice) na kung maaari ay pag-aralang muli at balikan ang kanilang naging legal opinion disallowing the allowance dahil double compensation daw po ito,” sabi ni Go sa panayam ng radyo noong Lunes.

“Gagawin po natin ang lahat para makakita tayo ng win-win solution dito,” idinagdag niya.

Nabatid na inatasan ng DBM si DILG Secretary Eduardo Año noong November 2019 na aksyonan at pigilan ang probisyon ng double compensation of disability at death benefits ng PNP officers.

Sinagot ito ng National Police Commission noong December 2019, na nagsabing ang separate distribution ng police benefits sa ilalim ng NAPOLCOM-managed PNP Welfare Benefits Program at ng PNP Retirement Benefits Program, ay hindi maikokonsiderang double remuneration.

Gayunman noong January 14, sinabi ng Commission on Audit batay sa isang Audit Observation Memorandum na ang nasabing benepisyo ay maituturing na double remuneration. Kaya inirekomenda ng COA na ang lahat ng PNP welfare benefits ay agad na itigil sa lahat ng NAPOLCOM offices.

“Ako naman po, handa akong pumagitna bilang Vice Chair ng (Senate) Public Order and Dangerous Drugs (Committee).”

“Ayoko po mangako, hindi naman po ako pulitiko na mangangako lang na di ko naman kayang gawin pero willing po ako na magpagitna at handang tumulong maipaabot bilang tulay nyo sa ating Pangulo at bilang mambabatas naman po kung ano po ang maitutulong namin sa inyo, tutulong kami,” ayon kay Go.

Ipinakiusap ni Go kay Fernandez na huwag nang ituloy ang kanyang protest walk. Inalok niya ang dating pulis ng libreng transportasyon kung nais pa rin niyang magtungo sa Maynila.

Pinasalamatan naman ni Fernandez si Senator Go sa pagsasabing, “Opo, maraming, maraming salamat po sa inyo, Senator, sa pag-unawa mo sa amin, sa kalagayan po namin. Di lang po ako nadisability at mga kasama kong pulis na survivor, pati mga pulis po natin na may night differential, sana po ibigay po sana two years pa po ang di pa naibibigay.”

Si Fernandez ay napilitang magretiro sa PNP noong 2011 matapos magkaroon ng spinal cord injury habang kasama sa isang police operation sa Nueva Ecija.

Noong gabi matapos ang panayam ng radyo kay Go, agad siyang nakipag-conference call kay Pangulong Duterte, Secretary of Justice at kay Hector. Labis ang pasasalamat ni Hector sa oportunidad na ibinigay ni Go para makausap ang Pangulo at mailuhog ang kanyan hinaing.

Pinayuhan ng Pangulo si Hector na huwag nang pahirapan ang kanyang sarili sa pagsasabing laging nariyan ang gobyerno para makinig sa bawat hinaing. Hiiling din ni Duterte sa SOJ na ipaliwanag kay Hector ang constitutional provision ukol sa double compensation at ang kasalukuyang jurisprudence na nagsasabing ang pension benefits ay nililimtahan upang hindi magkadoble-doble.

Sinabi ng Pangulo na na hahanap siya ng paraan para matulungan si Hector. Sinabi niya kay Hector na ang korte ang makapagdedesisyon sa nasabing usapin.

Nangako rin ang Pangulo kay Hector na siya at si Sen. Go ay magkakaloob ng financial assistance para matulungan ang dating pulis.

The post REKLAMO SA BENEPISYO NG EX-COP IAAPELA KAY PRRD NI BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
REKLAMO SA BENEPISYO NG EX-COP IAAPELA KAY PRRD NI BONG GO REKLAMO SA BENEPISYO NG EX-COP IAAPELA KAY PRRD NI BONG GO Reviewed by misfitgympal on Agosto 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.