Facebook

Bagong ECQ at usaping kuryente paghandaan

ANG CONSUMER GROUP na BANTAY KONSYUMER, KALSADA, KURYENTE (BK3) ay hinihiakayat ang lahat na mapaghandaan ang magiging epekto ng bagong ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE (ECQ) lalo na sa mga magiging bayarin.

Ayon sa grupo, muli na namang sasailalim sa ECQ ang NATIONAL CAPITAL REGION (NCR) at muli na namang sinuspinde ng MERALCO ang pagputol nila sa serbisyo ng kuryente.

Naniniwala rin ang BK3 na mainam ang bagong ECQ na ito para makatulong sa layunin ng gobyerno na mapabagal ang pagkalat ng bagong DELTA variant ng COVID-19 virus.

Hinihikayat ng BK3 na maging masinop sa paggamit ng ating mga kagamitan sa bahay upang tayo ay makatipid at upang maiwasan ang labis na paglobo ng ating konsumo sa kuryente.

Hindi maipagkakaila na dahil sa dalawang nagdaang ECQ ay lubos na na-apektuhan ang sistema ng pagbayad sa kuryente ng mga consumers. Nagkapatung-patong ang mga bayarin ng mga kababayan nating naapektuhan ng virus hindi lang sa kalusugan kundi pati na rin sa kabuhayan. Kaya naman dapat ding mas maging mapanuri sa mga kagamitang may mas mataas na ENERGY EFFICIENCY RATIO (EER). Patuloy na tumutok sa iba’t-ibang paraan ng pagtitipid na magmumula sa mga eksperto.

Dagdag dito, hinihikayat ng BK3 ang bawat sambahayan na ngayon pa lang ay agad nang pag-usapan at ayusin ang mga bayarin na paparating, lalo na sa kuryente. Matatandaang matapos ang ECQ ay dinumog ang MERALCO ng mga customers na may mga katanungan at mga nagnanais na palawigin pa ang panahon para makabayad ng mga naiwang bills.

Paalala rin ng BK3 sa ating mga kababayan, huwag na muling paabutin sa ganitong sitwasyon at ngayon pa lang ay makipag-usap na sa MERALCO tungkol sa pagbabayad ng bills. Matatandaang nanawagan din ang DEPARTMENT OF ENERGY (DOE) kamakailan para hindi tayo maperwisyo at walang maging problema sa suplay ng kuryente.

Nitong lingo, inanunsyo ng MERALCO na sususpindihin muna nila ang kanilang disconnection activities para sa mga lugar na isinailalim sa ECQ at MECQ. Ayon sa MERALCO, ginawa nila ito para makatulong sa mga customers nito.

Sa mga lugar na sakop ng MERALCO FRANCHISE AREA, nailagay under MECQ ang LAGUNA mula August 1 hanggang 15. Ang NCR naman ay nasa ilalim ng ECQ mula August 6 hanggang 20. Ang BULACAN, CAVITE, RIZAL at LUCENA CITY ay under GCQ with HEIGHTENED RESTRICTIONS. Ang BATANGAS at QUEZO N PROVINCE naman ay under GCQ sa buong buwan ng Agosto.

Ipagpapatuloy pa rin ng MERALCO ang mga operation nito katulad ng meter reading at bill delivery activities, alinsunod sa order ng ENERGY REGULATORY COMMISSION (ERC).

“Kaya naman, sa mga may kakayahan na makapagbayad ng kinonsumo sa kuryente ay mas mabuting gawin na ito sa lalong madaling panahon. Para naman sa mga nangangailangan pa ng kaunting panahon, gawin na rin ang pakikipag-usap ngayon,” paghimok ng BK3 sa mga konsyumer.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Bagong ECQ at usaping kuryente paghandaan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bagong ECQ at usaping kuryente paghandaan Bagong ECQ at usaping kuryente paghandaan Reviewed by misfitgympal on Agosto 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.