Facebook

Survey sa pulitika

TAON 1991, iminungkahi ni Ispiker Ramon Mitra Jr. sa Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), ang naghaharing lapian sa pagtatapos ng termino ni Cory Aquino, ang pagbuo ng isang plataporma de gobyerno na batay sa gusto ng mga tao sa survey. Pinutakte ng katakot-takot na batikos si Mitra sapagkat hindi ganoon ang pagbuo ng plataporma de gobyerno. Bahagi ang pagbuo ng platporma de gobyerno sa paghahanda ng LDP sa halalan pampanguluhan sa 1992.

Pangunahing katwiran ng mga tumuligsa sa mungkahi ni Mitra ang mga dahilan kung bakit may lapiang pulitikal sa daigdig ng pulitika. Itinatayo ang mga lapian upang pagbigkisin ang mga taong may magkakahalintulad ng simulain sa pulitika. Inihahandog ang sarili, serbisyo, at prinsipyo sa pagharap sa mga tao sa halalan at hingin ang kanilang boto. Sa maikli, hindi ang resulta ng mga survey kundi mga simulain at ideolohiya ang nagbubuklod sa mga kasapi sa isang political party.

Kailangan ang mga survey sapagkat gabay ang kanilang mga resulta kung paano haharapin ng mga lapiang pulitikal at kasapi ang bawat halalan at ehersisyo sa pulitika. Paraan ito upang malaman ang mga pagkiling na mga tao sa mga usapin – o ang takbo ng kanilang pag-iisip at sentimiyento. Hindi permanente ang resulta ng survey. Nagbabago depende sa takbo ng mga pangyayari. Kapag maayos ang mga survey, mabisang gabay ito sa pagdedesisyon. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon.

***

MUKHANG hindi naiintindihan ni Ping Lacson ang halaga ng mga survey sa daigdig ng pulitika. Hindi niya naiintindihan ang rason kung bakit may mga lapiang pulitika sa mundo. Dahil Lone Ranger si Ping, sanay siya na kumilos mag-isa. Hindi niya ganap na nauunawaan kung paano at bakit may lapiang pulitikal. Hindi niya gagap ang mapaloob sa isang lapian.

Pulis ang background ni Ping. Bilang opisyal ng nabuwag na Philippine Constabulary–Integrated National Police (PC-INP) na naging Philippine National Police ayon sa Saligang Batas ng 1987, hindi dumiin sa kanyang isipan ang pulitika ng mga sibilyan. Awtoryanismo ang kanyang ideolohiya. Hindi nagbago kahit tatlong beses na nahalal bilang senador. Hindi siya kasapi ng anumang lapian na may pinaniniwalaan kahit pakitang tao.

Ito ang dahilan kung bakit ibinatay ang kanyang unification plan sa survey imbes sa simulain, ideolohiya, prinsipyo, at paniniwala. Isa ito sa dahilan kung bakit tinanggihan ni Leni Robredo ang iniharap niyang unification plan ng puwersa ng oposisyon. Imposible ang hinihingi ni Ping. Umuurong ang mga kandidato upang magbigay daan sa sinuman na nangunguna sa survey. Isa itong malaking kalokohan. Hungkad na mungkahi ito.

Alam ni Leni na hindi siya mangunguna sa survey batay sa unification plan ni Ping. Dahil bantulot siyang magdesisyon kung tatakbo o hindi sa 2022, hindi siya umaangat sa ibang survey, bumababa pa nga ang kanyang rating. Naglalaro sa lima hanggang pitong bahagdan (5%-7%) lamang ang nakukuha niya. Sanay si Ping makakuha ng mahigit 10% sa bawat survey bagaman hindi tumataas ang kanyang rating. Noong 2004, noong una siyang tumakbo sa pagka-pangulo, magaan siyang nilupig ni GMA at FPJ dahil hindi siya popular.

Sa maikli, panalo si Ping sa unification plan na iniharap niya kay Leni. Patibong iyon para iangat ang sarili. Hindi iyon para sa oposisyon. Tulad ng mga naunang sinasabi, hindi oposisyon si Ping. Pumuposisyon lang, sa madaling salita. Iitigil na ang mga pagkukunwari.

***

HINDI nakakatuwa ang Malacanang. Nang humakot ng medalya ang delegasyon ng Filipinas sa Tokyo Olympics, walang pagkukunwari na inangkin ang kanilang pamamayagpag. Ano? Utang na loob ni Hidilyn Diaz, Nesty Pestocho, Carlo Paalam, at Eumir Marcial sa Malacanang ang kanilang pamamayani sa kanilang larangan? Anong kalokohan ito.

Inangkin ng Malacanang sa pamamagitan ni Harry Roque, ang kilalang “hari ng fake news” ang tagumpay ng mga atletang Filipino. Sobrang kakapalan ng mukha. Nagtagumpay sila ayon sa kanilang pagsisikap at hindi dahil sa Malacanang. Kung may naiuwi silang medalya, ito ay dahil sa kanilang matinding pagsisikap at paghahanda. Walang kinalaman si Duterte at Malacanang. Magbigay na lang sila ng pabuya ayon sa nakasaad sa batas.

***

NASASAKTAN ang grupo ng mga mahilig manghingi ng kontribusyon, donasyon, at alay, sa mga netizen, kasama ang mga OFW. Ginagamit ang pangalan ng Bise Presidente Leni Robredo at sinasabing suporta para sa kanya. Isa lang ang masasabi namin: Huwag magbibigay. Absolutely no cash out. Mga estafador ang mga iyan.

Kung magbibigay, maiging
i-tsek muna sa kampo ng Bise Presidente. Mahirap maestafa lalo na kung nasa ibang bansa kayo. Hindi ninyo mahahabol ang inyong pinaghirapang pera. Hindi lang si Boy Solicit ang mahilig manghingi. Kahit mga babae sa labas ng kanyang grupo ay nanghihingi. Mga kilabot sila sa donasyon. Hingin ninyo sila ng resibo. Mahalaga ang resibo.

***

POST ito nga kaibigang Roly Eclevia sa social media. Pakibasa:

Opposition must be resolute, unafraid

The 1Sambayanan cannot go wrong to choose Leni Robredo and Sonny Trillanes as a team. They complement each other.

Ms. Robredo is the more popular of the two, which is as it should be, being the head of the ticket. However, since Rodrigo Duterte is running as vice president, it will fall on Mr. Trillanes to carry the greater part of the fight, something that no vice presidential candidate has ever done before. It is providential, as it turns out. He is ideal for the job, being young, valiant, incorruptible, and nationalistic, the total opposite of Mr. Duterte’s persona. No other candidate for the position fits the bill

Other than that, Ms. Robredo and Mr. Trillanes contribute something of equal importance to the tandem. While the former will end the culture of death and corruption, the latter will make sure that those who committed these crimes against the people are made accountable for their crimes.

In the forthcoming elections, the Opposition should be resolute and unafraid. It must spell out its objectives in clear and unmistakable terms.

Ambiguity is fatal. The electorate can only perceive things in black and white.

***

MGA PILING SALITA: “Covid-19 has indeed exposed who Duterte really is. From being ignorant and incompetent, he has mutated into a real, psychotic liar who is so afraid to reveal his SALN, who is so afraid to defend our sovereignty, who is so afraid to displease China, and who is so afraid to face the ICC.” – Jed Q. Cepe, netizen

“Iyong dating PNP Chief na naging Senador na wala namang utak. Saan ka nakakita na bumbero may baril na hawak. Sunog ang pinapatay nila hindi po tao. Nagkalat talaga ang gago, tanga, at bobo sa administrasyong ito. Sorry for the foul words. Lakas maka-high blood sa totoo lang.’ – Yvette Navarro, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Survey sa pulitika appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Survey sa pulitika Survey sa pulitika Reviewed by misfitgympal on Agosto 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.