
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Lilipulin kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng sakit na pagkatuyo, nag-aapoy na lagnat, pamamaga ng katawan, at sakit sa balat; padadalhan din niya kayo ng matinding init at tagtuyot. Hindi kayo titigilan ng mga ito hanggang hindi kayo nalilipol…” (Deuteronomio 28:22, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
UN ENVIRONMENT PANEL, NAGBABALA NA MAAARING MASUNOG ANG TAO PAG LUMABAS SILA NG BAHAY BUNGA NG PAPATINDING GLOBAL WARMING: Di na natuto. Yan ang reaksiyon noong gabi ng Agosto 09, 2021, ng maraming mga mananampalatayang nagbabasa ng Bibliya sa nakakatakot na ulat ng United Nations Panel on Climate Change na inilabas noong gabi din ng Agosto 09, 2021.
Ayon sa UN panel, sobrang napakalapit na ng buong daigdig sa tinatawag nitong “runaway warming”, o grabeng mainit na kapaligiran na dulot ng tuloy-tuloy na pag-iinit ng buong mundo, at pagpapalit ng klima sa lahat ng dako.
Walang ibang sisisihin sa grabeng pagkawasak na ito ng daigdig dahil sa grabeng pag-iinit, kundi ang tao na din mismo, dagdag pa ng UN Panel. Bilang reaksiyon, agad namang nanawagan mula sa Sweden si Greta Thurnburg, isang kabataang environmental activist, ng mas matinding pagtugon ng mga bansa upang hanapan ng kalutasan ang problemang ito.
Si Greta ay nakilala matapos niyang ilunsad ang isang grupo ng mga kabataan upang lumaban sa mga gawaing nakakasira sa kalikasan. Ayon kay UN Secretary General Antonio Guterres, kinikilala nilang isang “code red for humanity” ang ulat ng UN panel, na ang kabuuan ay maaaring mabasa dito sa intergovernmental panel on climate change (ipcc). Ang ibig sabihin ng code red for humanity ay sitwasyong pang-emergency na.
***
“DI NA NATUTO” ANG TAO SA TUNAY NA DAHILAN NG GLOBAL WARMING AT CLIMATE CHANGE, AYON SA MGA MANANAMPALATAYANG NAGBABASA NG BIBLIYA: Sa kasalukuyan, dagdag ni Guterres, ang greenhouse gas levels sa kalawakan ay nasa antas na na magbibigay ng pagkawasak ng kalikasan, na hindi masosolusyunan sa mga susunod na dekada o di kaya ay siglo. Bunga ng pag-iinit na ito, ayon naman sa ulat ng UN panel.
Dagdag pa, hindi na makaiwas ang maraming tao sa daigdig, saan mang bansa sila naninirahan, na dumanas ng nakakamatay na heat waves, naglalakasang mga bagyo o hurricanes, at iba pang mga nakakamatay na ngitngit ng kalikasan, tulad ng mga di masawatang wildfires sa US, Australia, at sa iba pang mga bansa.
“The alarm bells are deafening,” dagdag pa ni Guterres. Ipinunto niyang kailangan na ng sangkatauhan na tigilan ang paggamit ng coal at fossil fuel—o, sa Pilipino, ng uling at petrolyo—para sa pagpapatakbo ng mga industriya, mga sasakyan, at mga gamit-pambahay na nakadepende sa mga mineral na ito.
Ayon sa mga dalubhasang naglalabas ng kanilang mga babala sa matinding global warming at climate change na nagaganap na, ang mga nangyayaring malawakang pagbaha kahit na sa mga lugar na di dating binabaha, ang mga pagkasunog ng mga kagubatan o kakahuyan sa maraming lugar nito lamang nakaraang linggo o buwan, at ang pananalasa ng mga mababagsik na buhawi, ay mga epekto na ng mabilis na pagdausdos ng buong planeta tungo sa pagkawasak at kamatayan.
***
“ANG TAO DIN ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT MAY GLOBAL WARMING”: Kung hindi natin titigilan ang paggamit ng coal at fossil fuel sa lalong madaling panahon, tiyak ang buhay na ng tao ang mapipigil, sabi pa ng UN panel. Ibinabala din nito na sa sobrang init na madarama ng mundo, tiyak na mamamatay na ang mga tao pag nangahas silang lumabas sa kanilang mga bahay.
Ayon sa ulat ng UN, “scientists warn that a rise of more than 1.5c above the preindustrial average could trigger runaway climate change with catastrophic impacts, such as heat so intense that people die just from being outdoors…”
Sa wikang Pilipino, ang babala ay ganito ang sinasabi: kung tuloy-tuloy ang pagtaas ng temperature ng mundo kahit lamang sa 1.5 centigrade, mawawasak na ng tuluyan ang kalikasan, at magdudulot ng mainit na paligid na maaaring makasunog sa mga tao na mangangahas lumabas sa kanilang mga tahanan.
Ayon naman sa mga nagbabasa ng Bibliya, ang ganitong mga pangyayari sa global warming at climate change ay isinulat na sa Banal na Aklat noon pa mang libong taon bago dumating si Jesus sa daigdig. Partikular na tinutukoy ng mga mananampalataya ang sinasabi ng Deuteronomio 28:15, 22 hanggang 24.
***
MATALINO AT HANGAL: DALAWANG URI NG TAO NA HAHARAP SA ULAN, BAHA, AT HANGIN. Ayon sa mga bersikulong ito, kung hindi na makikinig ang tao sa diyos at hindi na sila susunod sa kaniyang mga utos, magpapadala ang diyos ng mga sumpang papatay sa kanila, at kasama dito ang sumpa ng pag-iinit ng klima na susunog sa tao.
Kasama din sa mga sumpang ito ang pagtigil ng ulan at ang pagkatuyo ng mga dagat at tubigan, pati na ang pag-ulan ng alikabok sa maraming lugar. Sa mga baha at mga bagyo namang nangyayari ngayon, ipinunto ng marami na si jesus, ang diyos at tagapagligtas, ay nagbabala din na tiyak ang pagdating ng ulan, baha, at hangin sa daigdig.
Ang mga pangyayaring ito ay nagaganap, bunga ng kawalan ng interest ng tao na makinig at sumunod sa diyos. Ito ay matatagpuan sa mateo 7:24-27 ng bibliya. Ayon sa mateo 7:24-27, dalawa lamang ang mga tao na haharap sa mga trahedyang ito ng kalikasan.
Ang una, na isinalarawan sa Mateo 7:24-25, ay yung mga taong matatalino. Sila ang nakikinig at sumusunod sa mga utos ni Jesus, at, dahil diyan, hindi sila mapipinsala o mamamatay kahit dumating ang mga ulan, baha, at hangin. Ang ikalawang uri ng tao naman ay yung mga hangal, o yung mga isinalarawan sa mateo 7:26-27. Sila ay mga taong hindi nakikinig sa salita ng diyos, o, kahit na nakikinig, ay hindi naman sumusunod sa mga utos.
Tiyak na sila ay mapipinsala o mamamatay, pag dumating ang mga ulan, baha, at hangin. Dahil dito, marapat lamang na magbago na ang lahat, at, matutong makinig at sumunod sa mga utos ng diyos ng buong katapatan.
***
REAKSIYON? Tawag na: 0947 553 4855. Email: batasmauricio@yahoo.com. MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, https://ift.tt/3jq7483, https://ift.tt/2Vmhld1, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.
The post Tao, sunog pag lumabas ng bahay sa global warming-UN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: