NAGLABAS ng press statement si Senadora Mary Grace Poe ilang araw na ang nakalilipas patungkol sa 25-taong prangkisa ng Manila Water, Co. Inc. at Maynilad Water Services, Inc.
Nagbabala si Poe na bubusisiin niya sa Senado ang mga panukalang batas hinggil sa prangkisa ng Manila Water at Maynilad.
Ganito ang sabi ni Poe: “the bills will go through a fine-tooth comb at the Senate to guarantee that our people are not shortchanged and will get the quality service they deserve”.
“We must put an end to the woes drowning many households for years due to lack of safe water to drink, high rates and constant supply interruption”, pahayag ng senadora.
Idiniin niya na dapat ang mga panukalang batas hinggil sa prangkisa ng Manila Water at Maynilad “should also address the looming water scarcity exacerbated by the growing demand for the commodity and the lack of urgency in tapping new sustainable sources”.
“Businesses imbued with public interest must ensure that citizens’ welfare takes precedence over private profit”, bigwas ni Poe.
Pokaragat na ‘yan!
Para sa hindi pa nakaaalam ang lumabas na balita ilang araw na ang nakalipas, ipinasa ng Kamara de Representantes ang dalawang panukalang batas tungkol sa 25-prangkisa ng dalawang dambuhalang kumpanya sa distribusyon ng tubig.
Ito ang House Bill 9422 (An Act Granting Maynilad Water Services, Inc. a Franchise To Establish, Operate, And Maintain A Water Supply And Distribution System And Sewerage and Sanitation Services In The West Zone Service Area of Metro Manila and Province of Cavite) at ang House Bill 9423 (An Act Granting Manila Water Co., Inc. A Franchise To Establish, Operate and Maintain The Waterworks and Sewerage System In The East Zone Service Area of Metro Manila And Province of Rizal)”.
Matapos na pumasa sa Kamara, sa Senado ang bagsak nito upang busisiin at pag-aralang mabuti bago ipasa o hindi ang nasabing mga panukala.
Mayroong ilang kongresista na binatikos ang pagpasa ng H.B. 8422 at H.B. 23 dahil masyadong mabilis daw ang naging proseso.
Pokaragat na ‘yan!
Hindi tulad ng hininging panibagong 25-taong prangkisa ng ABS – CBN Corporation na todo-todong binusisi, kinalkal at kinonpronta ang panukalang batas ukol dito.
Ang inilabas kong mga pahayag ni Poe ay galing sa kanyang press statement.
Kaya, malalaman natin kung magaganap ang kanyang mga sinabi niya kapag sinimulan nang harapin ng mga senador ang H.B. 9422 at H.B. 9423.
Ang tanong: “Maasahan ba ng mga customer ng Manila Water at Maynilad na totohanin ni Senadora Poe ang masusi at malalimang pagsisiyasat at pagkalkal sa dalawang H.B.?”
Pokaragat na ‘yan!
Abangan at subaybayan po ninyo.
The post Totohanin ni Poe ang babala sa Maynilad at Manila Water appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: