LABING-APAT (14) na araw nalang para sa pagsusumite ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa 2022 local/national elections.
Still… isang tandem palang ang nagdeklara para sa Presidente at Bise Presidente, ang “PISOT” nina Senador Ping Lacson at Tito Sotto. Sa amin sa Bisaya ang PISOT ay maliit ang titi. Aray ko!
Pero, sabi ng mga political analyst, ang tandem na ito ay malamang na magwidro rin kapag hindi nag-click sa mga survey at susuporta sa mas winnable.
Kilala kasi itong si Ping na umaatras kapag naramdaman niyang “no win” siya. Mismo!
Ito na ang ikalawang try ni Ping para sa pagka-Presidente. Una siyang tumakbo noong 2010. Goodluck sa kanila ni Sotto…
Ang PDP Laban-Cusi faction ay nag-anunsyo rin ng kanilang banner, ang tandem nina Senador Bong Go (para President) at President Rody Duterte (para Bise). Ang tawag sa kanila ay ‘GODUT”. Hahaha…
Tinanggap na ni Duterte ang endorsement.
Una naring nagsabi nagsabi si Go na aprub siya sa pagka-pangulo basta si Duterte ang running mate.
Pero duda ang marami sa Go-Duterte tandem. Baka raw magpa-sub ang mga ito pagdating ng deadline ng filing sa substitution.
Kilala kasing tuso si Duterte sa pag-file ng CoC. Ginawa niya na kasi ito noong 2016. Unang pinag-file si noo’y Barangay Chairman Martin Dino habang si Duterte ay nag-eenarte, style. Hehehe… Tapos pagdating ng deadline sa substatution, nagwidro si Dino at pinasok si Duterte. Boom! Panalo!!!
Ang ganitong diskarte ay upang mawalan ng oras ang mga naglulunsad ng demolition dahil masyado nang mainit ang kampanya, wala nang oras para sa mga imbestigasyon sa Kongreso.
Natoto na kasi si Duterte sa nangyari kay dating Vice President Jojo Binay na maagang nagdeklara ng kanyang pagtakbo noong 2016. Binakbakan si Binay ng mga imbestigasyon ng Senado sa kanyang “hidden wealth” na nakamal sa kanilang paghahari sa Makati City. Resulta: Mula sa No. 1 bumagsak sa No. 4 si Jojo Binay. Pati ang kanyang anak na lalaki na mayor noon ay nadamay, ‘guilty’ sa corruption at ban na sa public service. Tsk tsk tsk…
Sabi ng mga political analyst, tinitingnan nila ang pagwidro ni Sen. Go na isa-sub ni Mayor Sara Duterte-Carpio, at si Pres. Duterte naman ay isa-sub ni Bongbong Marcos.
Bagama’t si Sara ay nagsabing hindi na siya tatakbong Presidente kung matuloy ang kanyang ama sa pagtakbong Bise, wala paring naniniwala. You know!
Anyway, ang inaabangan ng lahat ay sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquiao. Nag-usap na ang tatlong ito pero walang detalyeng inilabas. Mag-unite kaya sila o magkanya-kanya?
Pero, surely, hindi na aatras si Robredo. Ang kanyang campaign paraphernalias ay naka-distribute na sa kanyang mga kaalyado nationwide.
Matindi narin ang pag-organise ng grupo ni Isko.
Marami ang umaasa ng Leni-Isko tandem or Isko-Pacquiao.
Si Pacquiao naman ay willing mag-reelect nalang o magretiro na at paghandaan ang rematch kay Ugas.
Lahat nang ito ay aabot sa finals this week. Abangan!
The post 14 days nalang para sa CoC: Sino sino ba? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: