TACLOBAN CITY – Patay ang dalawang magsasaka nang paulanan ng bala ng tinatayang 15 hindi pa nakikilalang mga salarin sa Brgy. Bislig, Gandara Samar.
Kinilala ang mga biktima na sina Elex Magbutay, 39; at kapatid nitong si Jessie Magbutay, 43, at parehong mga residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Pol. CapT. Ruel Cantillas, OIC, Chief ng Gandara Municipal Police Station, sakay ang mga biktima sa kanilang motorbanca papunta sa Brgy. Elena ng Gandara, nang bigla na lamang paulanan ng bala ng mga salarin.
Dead on the spot ang dalawang biktima samantala nakatakbo naman sa ligtas na lugar ang isang menor de edad na kasama ng mga ito.
Sa ngayon, patuloy pang tinutukoy ng mga otoridad ang motibo sa krimen at ang mga salarin na nasa likod nito.
The post Mag-utol niratrat-patay ng 15 armadong lalaki appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: