Facebook

2 holdaper ng Chinabank, timbog

Naaresto ang dalawang holdaper ng isang sangay ng Chinabank sa Paco, Maynila.

Ipinrisinta nina MPD Director Brig.General Leo Francisco ang mga suspek na sina Larry Carel, 32, truck driver, residente ng Phase 2 Pkg. 3 Blk 70 Lot 23 Bagong Silang; at Ryan Sale, 28, ng 28 Palanza St., Brgy. Doña Imelda, Quezon City.

Ayon sa pulisya, nahuli ang dalawa sa follow up operations ng MPD, 2:30 ng hapon noong Setyembre 28, 2021 sa Caltex Gasoline Station sa Angelina Cananay Avenue, Parañaque City.

Ayon kay Francisco, natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng isinagawang backtracking ng mga CCTV kung saan nakita ang van ng Transportify Mitsubishi L300 van na pag-aari ng Belgrado Trucking na may plakang NCW 2751.

Nakaparada ang nasabing van sa Paz Guazon kanto ng Mendiola Sts., Manila ilang oras bago ang panghoholdap sa bangko.

Matapos ang panghoholdap kaswal lang na naglakad ang pangunahing suspek at sumakay sa motorsiklo saka nagtungo sa kinaroroonan ng van.

Pagsapit sa lugar ipinasok ang nakulimbat na pera na nagkakahalaga ng P690,000 at isinakay din ang motorsiklo sa loob ng van.

Mariin namang itinanggi ng mga suspek ang insidente at sinasabing wala silang kinalaman sa panghoholdap.

Sa ngayon patuloy pang hinahanap ng pulisya ang pangunahing suspek na nagpanggap na mag-o-open ng bank account bago nagdeklara ng holdap.

Ayon kay MPD Spokesperson Capt. Philipp Ines, tukoy na rin ang pagkakilanlan nito ngunit hindi pa maaring banggitin ang kanyang pangalan dahil sa patuloy follow up operation.

Hindi naman narekober ang perang natangay ng mga suspek sa bangko na pinaniniwalaang hawak ng pangunahing suspek.(Jocelyn Domenden)

The post 2 holdaper ng Chinabank, timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 holdaper ng Chinabank, timbog 2 holdaper ng Chinabank, timbog Reviewed by misfitgympal on Setyembre 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.