Facebook

P7m shabu bumulaga sa FedEx warehouse

Nasabat ang nasa 1.1 kilo ng shabu na may street value na mahigit P7 milyon sa loob ng dalawang parcel sa FedEx warehouse.

Isinagawa ang paghalughog sa bodega ng FedEx ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Ibinigay na sa kustodiya ng PDEA ang mga nasamsam na droga matapos isailalim sa physical examination sa pamamagitan ng X-ray scanning kung saan nakita ang mga kahina-hinalang imahe sa dalawang parcel at ipinaamoy pa sa K-9.

Sa ulat, nakaipit ang apat na plastic ng shabu sa mga ipinadalang t-shirt at nang halukayin nakumpirma na droga ito.

Ayon sa report, galing sa Malaysia ang shabu na idineklatang “cloths slipper” at “cloths slipper jung food chip”.

Nagsasagawa na ng case profiling laban sa mga responsable sa shabu shipment subali’t wala pang binanggit na pangalan ng mga sangkot dito base sa inilabas na pahayag ng BOC.

The post P7m shabu bumulaga sa FedEx warehouse appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P7m shabu bumulaga sa FedEx warehouse P7m shabu bumulaga sa FedEx warehouse Reviewed by misfitgympal on Setyembre 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.