Facebook

Lalamove driver, 1 pa huli sa P1.3m shabu

Arestado ang dalawang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang Lalamove driver nang makuhanan ng nasa P1.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Kinilala ni PLTCOL Renato Castillo, hepe ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) ang naaresto na sina Najeb Abdulwahab, 26 ng 648 Palanca St. San Miguel Manila; at Najir Mustapha, 30, Lalamove driver ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa report ni PLTCOL Castillo kay NPD Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, 5:45 ng hapon, Setyembre 29 nang magsagawa ang pinagsamang mga operatiba ng DDEU-NPD sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo at PNPDEG-SOU NCR sa pangunguna ni PLT Mc Kinley Mendoza sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Glenn Gonzales ng buy-bust operation sa Salmon St. Dagat Dagatan, Brgy. 8, Caloocan.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang knot tied transparent plastic na naglalaman ng humigit-kumulang sa 200 grams ng shabu na may standard drug price P1,360,000, buy-bust money na isang tunay na P1,000 at 209 pirasong P1,000 boodle money, isang kulay brown na Kia Rio (UBQ-613) at Ecobag.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Beth Samson)

The post Lalamove driver, 1 pa huli sa P1.3m shabu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalamove driver, 1 pa huli sa P1.3m shabu Lalamove driver, 1 pa huli sa P1.3m shabu Reviewed by misfitgympal on Setyembre 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.